A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

ZIA SOL lyrics : "Bakit ba"

Heto na naman
Tumitibok ang puso pag ikaw ay nariyan
Hindi matingnan ng deretsyahan

At nabubulol na sa iyong harapan

Pero paano yan

Nakikita ko sa iyong mga mata
Umiibig nahuhulog ka na sa iba


Chorus:
Bakit ba sa iyo
nahulog ang loob ko

Lumalakas ang tibok ng puso
Sa isipan ko, ikaw ang tumatakbo



Tinatago lang sayo
Alam kong kaibigan lang ang turing mo sa akin

Masakit man isipin
Pero kailangang tanggapin na ika'y di magiging akin


Kaya idadaan na lang sa simpleng kanta kong ito
Ang pagibig kong tago
Para lang sayo


Chorus:
Bakit ba sa iyo

nahulog ang loob ko
Lumalakas ang tibok ng puso
Sa isipan ko, ikaw ang tumatakbo

Bakit nga ba?

Bridge:

Pinipilit ang sarili na ikaw ay kalimutan
Pero bakit hindi kita mabura sa isipan
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin

Sasabihin ba o ililihim na lamang sa iyo.

Chorus:

Ba't ba sa iyo
nahulog ang loob ko
Lumalakas ang tibok ng puso


Bakit ba sa iyo
nahulog ang loob ko

Lumalakas ang tibok ng puso
Sa isipan ko, ikaw ang tumatakbo
Sa isipan ko, ikaw ang tumatakbo

Bakit nga ba?
Bakit nga ba ?
Bakit nga ba..?


Submit Corrections