A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

Valley Of Chrome lyrics : "Agimat"

Para bang 'di mo kaya ang hirap ng buhay
Pagod na at tila hindi makasabay
Ngunit ilan sa atin ang may angking lakas

Na sa oras ng pagsubok, ito'y lumalabas
Ito'y para sa inyo, para sa matatapang, at ayaw magpatalo
Lahat ng ating sugat, ay gumagaling dahil may agimat na angkin


Binuhusan ang sugat, ng asido't asin, kahit na sinasakal, humihinga pa rin
Di nila kaya ang binabangga nila, ito na ang simula, ang takot napawi na


Walang bagyong di natin lalampasan
Magkasama tayo at walang mag-iiwanan

Bawat isa sa atin na handang mamatay
Para sa prinsipyo na ating taglay
Di nila kaya ang puwersang ating dala

Dahil may angking agimat, ang bawat isa

Ating isapuso- Agimat!

Ating isabuhay- Agimat!
At gawing sandata (Agimat!)
May agimat tayong lahat!


Bawat hakbang mabigat, sa bubog tumawid
Ikaw ba'y pinahamak ng iyong kapatid?

Mula sa putik babangon, at liliyab muli
Ang ngiti sa mukha ng demonyo ay mapapawi

Submit Corrections