A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

SPYKER ONE, LUVGEE & DENGNOXIDE lyrics : "Nasan Na Nga Ba"

1st Verse: Spyker One

Nasan Na Nga Ba yung dating

mga haplos at iyong mga paglambing.
Bakit ba bigla nalang nawala, bigla nalang nawala, oohhh.
Tila tayo'y wala nang hatid na init

ang araw sa atin, sa atin bakit
kay layo mo na, hindi ka na katulad ng dati,
ano bang nangyari, ikaw pa ba yan.

Hindi mo pa ba napupuna na, ako na 'tong umiiwas para
hindi ko man lang madama, ako sayo'y merong halaga,
bakit nga ba nagbago ka, hindi ka naman dating ganyan diba.

Ano bang dahilan mo, ano ba ang pagkukulang ko,
nagkamali ba sayo pwede bang ipaliwanag mo
sa mga pagkakataon halos hindi ka na nga makausap,

Nasan Na Nga Ba yung ikaw, yung dati mong ikaw,
hinahanap-hanap ko baka pwede muli kong matanaw...


Chorus:

Naiisip mo pa kaya ako, ohhhh

o sadyang tinalikuran na ang mga pangako mo, oohhhh.
Dati-rati sa piling mo'y walang nadaramang pangangamba,
Nasan Na Nga Ba, nasan na, nasan na, may pag-asa pa ba...


2nd Verse: Luvgee


Nagtitiwala, ang iyong bukang-bibig,
pag tayo ay magkasama, anong sarap saking pandinig.
Hindi mo ako iiwan, hindi mo magagawang pabayaan,

nasan na, masasayang nakaraan,
nakaraan natin nung hindi ka pa nagbabago sakin
ngunit bakit ba bigla kang nanlamig

at hindi ko na nadaramang ako'y mahal mo pa.
Nagtatanong ang isip ko,
hindi makasagot ang puso kong bigo

dahil sa hanggang ngayon, hinahanap ang dating ikaw...

Chorus:


Naiisip mo pa kaya ako, ohhhh
o sadyang tinalikuran na ang mga pangako mo, oohhhh.

Dati-rati sa piling mo'y walang nadaramang pangangamba,
Nasan Na Nga Ba, nasan na, nasan na, may pag-asa pa ba...


3rd Verse: Dengnoxide

Kung alam mo lang kung ga'no kahirap

para sa akin ang mga pangyayari ngayon,
napakasakit isipin na ang katulad mo'y hindi na gaya noon.
Bigla ka na lamang nag-iba parang ihip ng hangin

na dumadampi tila nanlamig ka na sa akin.
Ano ba ang dahilan, pwede bang paliwanag mo naman,
hindi yung dahan-dahan mong paparamdam

na sayo ako ay parang wala nang halaga,
wala na ba ang bakas ng ating dating mga
pinagsamahan, pinagsaluhang masasayang sandali.

Kung maibabalik ko lang ang lahat,
lahat ng paraan ay aking gagawin
upang iyong mabatid na ako'y nananabik pa din sa dating ikaw...


Bakit ako nalang ang nandirito,
ang dating malinaw ay tila unti-unting nanlabo.

Masakit man tanggapin ang lahat ng katotohanang
hindi na ikaw yung aking nakilala at hindi mo na ko kailangan.
Nagkulang ba o nasaktan kita, yan ang katanungan

na hindi masagot at hanggang sa ngayon
ay wala pa rin kaliwanagan.
Ipaunawa mo sa akin ng mabuti,

hindi yung ramdam ko ang panlalamig
tapos ako pa yung nagsisisi...


Chorus:

Naiisip mo pa kaya ako, ohhhh

o sadyang tinalikuran na ang mga pangako mo, oohhhh.
Dati-rati sa piling mo'y walang nadaramang pangangamba,
Nasan Na Nga Ba, nasan na, nasan na, may pag-asa pa ba...

Submit Corrections