A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

Skabeche lyrics : "Kaba"

[Words by: Michael M. Santos]

Kangina ko pa napapansin ang iyong tingin

Na parang mayroon kang gusting sabihin
Aalukin ba kita ng isang inumin
Sa isang sayaw kaya kita'y ayain


Kinakabahan, kinukutuban
Lalapit ka kaya o maghihintay


Ayan at nagtagpo nanaman ating mata
Sabay bawi ka at tingin sa iyong kasama

Subalit kapansin-pansin ang naiwang ngiti
Diyan sa mapula't malambot mong labi


Kinakabahan, kinukutuban
Lalapit ba ako o maghihintay


Lala-lala-lala-lala?

Dumadalas ang paghawi mo sa iyong buhok, sabay tingin

At pagbasa-basa mo sa iyong labi, sabay ngiti
Hindi na rin mapigil ang iyong pagtitig, ooh sa akin
At paghaplos-haplos mo sa iyong mga binti, sabay ngiti


Kinakabahan, kinukutuban
Kailangang may mangyari


Kinakabahan, kinukutuban
Hindi dapat magtapos sa halik sa hangin

Submit Corrections