A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

Siakol lyrics : "Aso"

Ako'y may alaga asong mataba
Buntot ay mahaba, makinis ang mukha
Mahal niya ako, mahal ko rin sya

Kaya kaming dalawa ay laging magkasama

Kung ako ay aalis, siya'y sumusunod

Sa aking pagbabalik pamawi ng pagod
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Hindi lang sya alaga, kaibigan ko pa


Kahit hayop ay dapat ring mahalin
Lalo't maamo at masunurin

Sila'y alagaan at wag pababayaan
Tao at hayop may unawaan


Sa aking pag iisa aso ko ang kasama
Sa aking pagtulog, katabi ko sa kama
Mahal niya ako, mahal ko rin sya

Pag lalambing niya aking damang dama

Pag siya'y binabato, aking pinagtatanggol

Pag ako'y inaaway, kanyang tinatahol
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Kaibigan tunay sa hirap at ginhawa


Kahit hayop at dapat ding mahalin
Lalo't maamo at masunurin

Ngunit minsan ay di mo rin akalain
Ang pangyayari ay nagbabago rin


Kahol sya ng kahol, ang aso ko'y nauulol
Laking gulat ko pati ako ay hinabol
Mahal niya ako, mahal ko rin sya

Kaya ganon nalang ang aking pagtataka

Ako'y may alaga asong mataba

Bunto't ay mahaba, makinis ang mukha
Kinagat niya ako, kinagat ko rin sya
Ang kawawa kong alaga, pulutan ko na

Submit Corrections