A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

Sex Bomb Girls lyrics : "Tahanan"

Intro:

Ang tibok ng puso mo

Ang tanging gabay sa buhay kong ito
Kahit na kaylayo mo
Ang pag-ibig ko'y laging nasa iyo


Alaala'y iipunin
Bawat pangarap natin

Ihahatid ako ng puso mo
Sa tahanang hinahanap ko


Chorus:

Dito sa tahanang may pag-ibig na nag-umpisa

At bawat tibok ng puso ay kapiling ka
Di ko man maaring ulitin
Tayo'y babalik pa rin

Sa tahanang ating binuo
Ilalapit ka ng iyong puso


II:

Para bang kaylapit mo

Tila hangin na hinahaplos ako
Sa kabila man ng mundo
Sa pagtulog ko'y dinig ang awit mo


Kailan muli ibubulong
Sagot sa 'king mga tanong

Bawat piraso ng alaala
Pag pinaglapit ay naro'n ka


(Repeat Chorus)

Kahit na magtiis

Hindi maiaalis
Ang puso mo at puso ko'y
Laging magkabigkis


(Repeat Chorus)

Submit Corrections