A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

SANGGANG BUNGO lyrics : "Love At First Sight"

Verse One : G.Bhon
isang babae sa bilihan pwede ka bang mautangan
di moko mauutakan parang preso sa kulungan

nagpalit pa ng pangalan etraksid mga tinginan
ba't mo ba sinusungitan lapit ka para malaman
mabait na kasintahan !@$&ukupit sa tindahan

malupit pagmamahalan ng babaeng pandigma
hawak ko ay kalasag na panangga ganto umirog ang dukha
okay lang ang masaktan kargada nya ay unan pang hampas naman upuan

kaya ko pang mailagan mga panang tinadhana tulala ka sa bintana ang
ilang di alintana sana nga ikaw na ata ang dasal ko sa Poon
habang naambon at !@$&akain ng canton yung nasanggi ko yung kahon

bigla kang lumingon isang babaeng mabalbon pinaglihi raw sa sabon marahil habang panahon Thank's a Lot Panginoon nais kong magpakilala ako nga pala si Bhon yung !@$&anta sa " Negatibong Sitwasyon "

Chorus : Katherine

mahal kita minamahal kita
kahit hindi pa tayo pangako ko sayo
na ikaw lang talaga

wala na ngang iba
ika'y mahalaga awitin ko'y para sayo


Verse Two : Renzo & Cedie
kaganapan sa sakayan may paa na naapakan
ika'y napasigaw napatingin ang karamihan

iba ang 'yong mukha akala ko'y may kasungitan
pinakita ay ngiti napalitan ng kabaitan
nung ako'y biglang hawakan may bakante ng upuan

Driver ay di na bayaran nung ikaw ay masilayan
ang tinginan matinde siksikan lang kase
kaya kita nakatabe inabot pa ko ng gabe

nang kakaisip sa iyo at para bang natulala
iniibig na kita at nagkaro'n ng himala
ang pagmamahal sayo ay para ng walang hangganan

one four three mahal kita sana'y wag mong kalimutan !
--
naisipan kong sulatan ang babae sa simbahan

ika'y katabi ko hindi mo lang namamalayan
kasabay kong maglakad nagkasiksikan sa labasan
tayo'y nagkatinginan na hakbang lang ang pagitan

ano ang 'yong pangalan saan ba ang tahanan
numerong pwedeng tawagan meron kang nakalimutan
panyong iniingatan na bigay ng kasintahan

sa mata'y may kalungkutan takpan man kahit punasan
kaya kong baguhin yan handa kitang pasayahin
sagutin mo lang ako at sana'y wag mong biguin

dahil ika'y mahalaga dito sa aking buhay
mahirap lang ako pero nagmamahal ng tunay !


Chorus : Katherine
mahal kita minamahal kita
kahit hindi pa tayo pangako ko sayo

na ikaw lang talaga
wala na ngang iba
ika'y mahalaga awitin ko'y para sayo


Verse Three : Kenneth & Josh1st Carisma
habang nasa palaruan may babaeng napusuan

ako ay nasa duyan sya ay nasa padulasan
ako'y nahihiya na parang gusto kong lapitan
ang diwatang simple lang kahit di sya kagandahan

sya ay mapute nagsuot pa ng pute
ang dami nyang palamute biniro ko't kinilite
magkasinglake kami at kami'y magkaidaran

ako ay may pangarap ay ikaw yung katuparan
hindi inaasahan na ikaw ay iibigin
biglaang pangyayari di alam ang sisisihin

ako'y napamahal ng hindi ko akalain
na laro lang ang lahat pero aking tototohanin !
--

ito ay kwentong hango sa tunay na pangyayare
panliligaw kagustuhan sa hangad naming babae
ako'y simpleng lalake na gusto'y may kasintahan

bibili lang ng pagkain sa malayo pang TiNDAHAN
sobrang hirap maglakad dapat merong kakwentuhan
kaibigan kong sandalan ang tagpuan sa SAKAYAN

naisipang magdasal napakadaming kasalanan
gusto kong mangumpisal at magbago sa SiMBAHAN
na ikaw ang kasabay sa lungkot at kasiyahan
kasundo kabiruan napadaan sa PALARUAN
katanungan sa isipan ay nang galing pa sa puso

minamahal kita yan ang tunay kong pangako
ikaw lang talaga kahit sabihing di pa tayo
ang maging ako't ikaw ay hindi naman malabo
sa buo kong pagkatao ikaw ang kahulugan
buhay kong nalanta na tila iyong Diniligan !


Chorus : Katherine
mahal kita minamahal kita
kahit hindi pa tayo pangako ko sayo
na ikaw lang talaga

wala na ngang iba
ika'y mahalaga awitin ko'y para sayo ( Repeat Chorus )

Submit Corrections