A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

PRM lyrics : "Kathang-Isip (Skant Ft. Kram)"


(Chorus)
Tayo'y ngumiti galit ay isan' tabi

ng di na lumaki at lahat ay mag bati
wala na tayong away at wala na ring mga gulo
matutupad na balang araw ang nais ko (Repeat 3x)


1st Verse (Skant):
Baliktarin mga gulo tayo'y magkaisa

ang lahing pilipino ay hindi naman magka iba
sabihin man nila na tayo ay hindi magka muka
iba man ang probinsya pero kapatid kita

kayat tuldukan at tanggalin ang galit sa dibdib
isigaw mo ang gustong sabihin ng iyong bibig
wag maging bingi saakin ika'y makinig

ako ay humahanga sa iyo'y bumibilib
simpleng bagay lamang sana ay hindi na pag talunan
ang nais lang ni skant magkaron ng kapayapaan

at imbes mag talo tayo ay tulungan ang kapos
putulin mo ang sungay at kilalanin mo ang diyos
sa mata nating ama tayo'y pantay lang at parehas

baket merong inosente na nakukulong sa rehas
panghahalay ng magulang sa anak hindi yan patas
prostitution sa bansa sana tayo ay makatakas

ako'y sumasaludo para sa nangibang bayan
pero bakit dapat dun ka pa dalin ng kahirapan
e nandito lang naman sa atin mga kasagutan

oo dito sa pinas sa sarili nating bayan
lahat tayo'y matapang at walang sini-sino
ganyan ang mga kababayan ko na pilipino

pagkatapos ng ulan sisikat na ang araw
gawin mo ang gusto walang limitasyon ang buhay.


(Chorus)
Tayo'y ngumiti galit ay isan' tabi
ng di na lumaki at lahat ay mag bati

wala na tayong away at wala na ring mga gulo
matutupad na balang araw ang nais ko (Repeat 2x)


2nd Verse (Skant):
Ang mga nais, ko at aking binabalak
na sana ang puso ng bawat isa'y laging panatag

tumingin ka sa paligid naka PEACE sign ang lahat
sama-sama tulong-tulong ang pinas ay i-angat
dilaw puti asul pula hanggang sa mamatay

hinahangad na paraiso'y na sating mga kamay
katahimikang gusto ko sana satin lumiwanag
kristiano at muslim sana kayo na'y mag pa-awat

kalayaang pinaglaban sa atin pinamana
ng mga ninunong beterano satin na una
hindi yung gusto natin inuuna ay yung dapat

at mga gustong sabihin sa papel ko inilapat
taba ng utak ng pinoy sa tama to gamitin
at gobyerno sa pinas tiwala namin wag sirain

panigan ang lahat hindi lang para sa mayaman
magka-isa lahat sa kahirapan ay lumaban.


(Chorus)
Tayo'y ngumiti galit ay isan' tabi
ng di na lumaki at lahat ay mag bati

wala na tayong away at wala na ring mga gulo
matutupad na balang araw ang nais ko (Repeat 2x)


3rd Verse (Kram):
Ano ba ang nangyayare sa mundong ginalawan
madame ng hinanakit pilipinong kababayan

ang pinaka masakit ay nakikitang lumaban
doon sa kahirapan namumuhay ng walang masandalan
halos na maos na kaka sigaw

madinig lang ng taong naka dilaw
ang pinangakong paraiso sana'y di maging ampao
kayamanang naka hain sana di ka po masilaw

kapit-kapit ang kamay yan ang aking ka agapay
walang bahid ng pag aatubili na umakbay
sabay natin harapin ang pagsubok ng ating buhay

palitan na ng ngiti ang kalungkutang nag daan
sa mga nasalanta ako po ay sumasaludo
kahit na ganun pa man hindi nyo nagawang sumuko
mga ngiting nananabik sa muling pag tayo
salamat sa inyo mga kapwa ko pilipino.


(Chorus)
Tayo'y ngumiti galit ay isan' tabi
ng di na lumaki at lahat ay mag bati
wala na tayong away at wala na ring mga gulo

matutupad na balang araw ang nais ko (Repeat 2x)

Submit Corrections