A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

NICO FT. RAGE MESSAIAH lyrics : "Alulong"

Verse1

tahimik ang gabi, ako'y nag-iisa

dilat ang mga mata ng may lumabas bigla
sa'king harapan, isang imahe na
nagpagalaw sa'king mga paa, naglakad bigla


palabas ng tahanan, hinanap ang kaibigang
maaasahang di ka dadayain sa bigayan

at sakto, tama ang pagrekta ko sa kanto
inabot ang isang libo, akin na ang premyo


dali daling nagmadaling bumalik sa silid
kating kating mga daliring humagip ng diin
sa pagpapagulong ng batong masustansya

usok na nagbibigay lakas resistensya

sa maling paraan, ako'y nagkakatama

di ko na maiwasan, lagi siyang nakakatama
ako'y malaya ngunit di makasigaw
mga paa'y nasa labas ngunit di makagalaw


Chorus:
mga umaalulong, mga nalululong

mga nakakulong, sumisigaw ng pabulong
mga umaalulong, mga nalululong
mga nakakulong, sumisigaw ng tulong


Verse 2


katotohana'y tinalukuran, namuhay sa imahinasyon
gulantang aking diwa ng may habulin akong dragon
tumatakbo't may hawak akong lampara

naghahabol sa dimensyonal na pintuan bago mag sara

nakatututok sa'ken ang araw ngunit ako'y giniginaw

nakakababad sa serbesa pero patuloy na nauuhaw
sa'king mga mata ang bilis tumakbo ng pagong
di siya maabutan ng pilantod na lobong gutom


dumungaw sa balkonahe, tumingala sa taas
mga bitui'y nalalaglag at bigla akong nag-iiwas

unti unting ngiti sa'king mukha'y naaagnas
nung una ako'y tuwang tuwa, ngayon ako'y nababanas


gusto ng tumigil humiling, aking ulo'y umiiling
di na kaaya ayang ako'y binabangungot ng gising
bigla biglang luluha na lang, sa sarili'y dumadaing

wag kayong magulat kung bukas na aking libing

Chorus:

merong mga umaalulong, mga nalululong
mga nakakulong, sumisigaw ng pabulong
mga umaalulong, mga nalululong

mga nakakulong, sumisigaw ng tulong

Verse 3


at biglaang may dumating na liwanag
may kasamang boses na di ko mapaliwanag

ako'y pumikit sapagka't nasisilaw
lagi kasing nasa dilim at di sanay ng may ilaw


yung dating malabong bulong, ngayo'y luminaw
dating pundidong bumbilya, biglaang umilaw
tinignan ko ang paligid, lahat ay nasa ayos

humuhuni ang ibon at ang ilog ay payapang umaagos

mataas ang sikat ng araw pero may hangin

normal naman pala ang lahat, may mali lang sa'kin
dumiretso sa hapag kainan, !@$&agat ng tinapay
laganap ang kapayapaan, naging tahanan ang bahay


ito'y patunay na maaga akong nagising
di na pinaabot pa ng mainit na tanghali

magpapahinga na lang muli sa kalmadong gabi
patunay na di pa huli pero nagawa kong magsisi (nagawa ko ng magsisi)


Chorus:

merong mga umaalulong, mga nalululong
mga nakakulong, sumisigaw ng pabulong
mga umaalulong, mga nalululong
mga nakakulong, sumisigaw ng tulong

Submit Corrections