A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

Mike Kosa lyrics : "Buhay Na Pinasok Ko"

Ito ang buhay na pinasok ko, ang ating larangan
Ang kultura na pinagmulan, ang aking karangalan
Ang pangalan na hindi basta-basta pwedeng tapakan

Ng kahit na sinumang gusto sa akin magparatang

Ito ang buhay na pinasok ko, ang ating larangan

Ang kultura na pinagmulan, ang aking karangalan
Ang pangalan na hindi basta-basta pwedeng tapakan
Ng kahit na sinumang gusto sa akin magparatang


Halos masaid ang tinta sa kakasulat ng kanta
Pinaghusayan ang mga letra gaya ng obra kong pinta

At gumugol din ng oras tulad ng presong nasa rehas
Naging aktibo sa pag-gawa sa pagiging patas at parehas
Buo sa aking saloobin ang nag-iisang mithiin

Na balang araw kilalanin mga sinulat kong awitin
Na hindi pwedeng agawin at hindi pwedeng harangin
Hindi 'to patimpalak na kayang-kaya mong dayain


Ang panulat, papel at utak na pinalawak
Na tanging sandata ay mikropono na aking hawak

Pagka't mikropono ay gagamitin upang ubusin
Ang mga nagtatangkang sumira sa'king layunin
Dahil akoý umaasa sa pag-asang makamit

Kahit itoy ilang taon na rin sakin ipinagkait
Ay hinding-hindi lilisan sa mundong nilalakbay
Isa ka sa maghanda 'pag ako ay nagtagumpay


Ito ang buhay na pinasok ko, ang ating larangan
Ang kultura na pinagmulan, ang aking karangalan

Ang pangalan na hindi basta-basta pwedeng tapakan
Ng kahit na sinumang gusto sa akin magparatang


Ito ang buhay na pinasok ko, ang ating larangan
Ang kultura na pinagmulan, ang aking karangalan
Ang pangalan na hindi basta-basta pwedeng tapakan

Ng kahit na sinumang gusto sa akin magparatang

Hindi nagbago ng prinsipyo sa sariling kalidad

Nagtiwala sa sarili mula sa mura kong edad
At dala ng pagkabata ang mga munting konsepto
Na hindi pinapanigan ang mga maling aspeto

Ng ating musika kahit nag-iiba ang klima
Kung sinasandalan ay gumagawa rin ng sistema
Na mali ang tema ay hindi dapat parisan

Nagtiyaga akong magsulat kahit akoý pinapawisan
Ang puhunan ko dito ay pawis, pagod, at dugo
Na sa hangaring matamo hindi ako uuwing bigo

Pagkat ang dila ko ang panahon na rin ang siyang humasa
Na kayang-kayang sumabay sa kahit sinung dalubhasa
Naging bihasa sa pag-gamit tapos sa mic ako'ý !@$&apit

Halika muna at lumapit, at sumabay sa aking awit
Hindi ito ang klase ng lyrics na kaya mong tawanan
At hindi ako yung tipo na kaya mong tapakan


Ito ang buhay na pinasok ko, ang ating larangan
Ang kultura na pinagmulan, ang aking karangalan

Ang pangalan na hindi basta-basta pwedeng tapakan
Ng kahit na sinumang gusto sa akin magparatang


Ito ang buhay na pinasok ko, ang ating larangan
Ang kultura na pinagmulan, ang aking karangalan
Ang pangalan na hindi basta-basta pwedeng tapakan

Ng kahit na sinumang gusto sa akin magparatang

At dumating na ang aking pagkakataon

Tinatamasa ko ngayon mga pangarap ko noon
Marami na ang bumabati kahit hindi ko kakilala
Na kahit saan mapunta ay kanilang naaalala

Ang rapper naka preso, naka posas ang kamay
Ikaý !@$&apit sa speaker at baka ka matangay
At 'wag mo kong yayabangan narating mo ang lahat

Ang pagsikat ng isa ay pag-angat din ng pangkat
Nagkalaman din ang pitaka at nagkaroon ng pera
Pumipirma ng autograph at dumadami ang pamorma

Hindi ka bagay mag-artista para gumawa ng usap
Pagka't ang aking pangungusap tadhana ang siyang sumulat
At namulat sa industriya ang tulad kong api
Na kung marami ang kalaban mas maraming kakampi
Ito ang unang hakbang sa'king pakikipagtuos

Mike kosa, real boys representing dos talentos

Submit Corrections