A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

MARIA MORENA lyrics : "Kung Wala Ka Na"

'Di ba't sabi mo sa akin hindi mo ako iiwan
Pangakong 'di pababayaan na lagi kang nand'yan
Sa aking tabi, na kahit anong mangyari

Ang pag-ibig mo'y sa akin lang

Ngunit bakit ba biglang lahat nagbago na

Wala na ang dating sigla sa tuwing ika'y kasama
Mga titik mo, tila ba nagbago
Wala na ang dating ngiti ng yakap mo't halik


Paano na ang puso kong ito
Na inilaan lamang sa 'yo

Bakit iniwan mong nag-iisa't nagdurusa
Paano na ang buhay ko ngayon
Kung wala ka na sa piling ko

Hindi ko makakayang mag-isa
Kung wala ka na


Hindi mo na kailangan pa sa akin ay sabihin
Na ang pag-ibig mo ngayo'y hindi na kasing lalim
Nang pag-ibig mo, habang ika'y nangako

Na walang ibang mamahalin kung 'di ako

Paano na ang puso kong ito

Na inilaan lamang sa 'yo
Bakit iniwan mong nag-iisa't nagdurusa
Paano na ang buhay ko ngayon

Kung wala ka na sa piling ko
Hindi ko makakayang mag-isa


Pa'no bang lumaban sa lungkot at kabiguan
Kung pag-ibig mo pa rin ang inasam-asam
Sana'y maalala mo, 'andito pa rin ako

Kahit kailanma'y 'di magbabago

Paano na ang puso kong ito

Na inilaan lamang sa 'yo
Bakit iniwan mong nag-iisa't nagdurusa
Paano na ang buhay ko ngayon

Kung wala ka na sa piling ko
Hindi ko makakayang mag-isa
Kung wala ka na


Ooh...
Kung wala ka na...

Submit Corrections