A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

Lil Mhack lyrics : "Paano Ako"

Nang iniwan mo ang puso kong nag iisa
At di ko na malaman tila ba lumalala
Pagibig mo sa akin tila ba naglaho na

Ano ang gagawin mahal na mahal kita

Kay hirap ng iniwan mong nag iisa

At di ko na malaman ang sarili balisa
Nasanay na ako sa piling ko ay nandidito
Magkapiling tayong dalawa ngaun ay magkasuyo


Naging alipin mo ako ng kay tagal
Lahat ng yong hiling ay aking din tinutupad

Kahit na ang kapalit ang buhay ko
Handang isakripisyo to para sa iyo


Kasama mo ako sunud-sunuran sa iyo
Di bale ng mapahiya basta't para sayo
Andito lang ako sa piling mo aking sinta

Harap harapan man pagtaksilan kinakawawa

Nahuli nga kita ng ilang beses pa

At dinanay mo pa kahit nakahalikan na
Sinaktan mo ako kahit na kamalian mo
Kaibigan lang pala pero parating nasa puso mo


CHORUS:
Laging siya na lang, Paano ako

Nagmamahal sayo ng totoo
Pag ibig kong ito na kailanman hindi susuko
Laging siya na lang, Paano ako

Nagmamahal sayo ng totoo
Pag ibig kong ito na kailanman hindi susuko


Minsan magkamili agad sumbat pati
Lahat ng kamalian mo sa akin tinanggi
Nag date tayo pinaghintay mo ako

Usapan natin MegaMall hindi ka sumipot
Nabalitaan ko kaya hindi ka dumating
Ibang lalaki ang sayo naglalambing

Sayang ang oras at regalo ko sayo
Pinaghirapan ko para lang ma pa sa iyo


Ginastusan kita ngayon sumbat mo pa
Hindi ka nahiya ang pera ko'y inubos na
Nagmalaki ka pa na dapat di mo ginawa

Asar ako sayo pero dahil mahal kita

Napuyat na ako sa kaka-text ko sayo

Wala kang dahilan para ikaw ay magtampo
At nagloko ka na tinanggap pa kita
Kailan mo makikita ang pag ibig ko sinta


CHORUS:
Laging siya na lang, Paano ako

Nagmamahal sayo ng totoo
Pag ibig kong ito na kailanman hindi susuko
Laging siya na lang, Paano ako

Nagmamahal sayo ng totoo
Pag ibig kong ito na kailanman hindi susuko,
Iniwan mong nag-iisa

Ang puso kong ito na sayo'y nagmamahal ng tapat
Laging siya na lang, Paano ako
Nagmamahal sayo ng totoo

Pag ibig kong ito na kailanman hindi susuko

Minsan dinalaw mo ako sa bahay nyo

At nakatingin sa akin ang magulang mo
Ibang panggalan pa ang tinawag sa akin(patay)
Napahiya ako pero hindi ko pinansin


Pag magkasama tayo tingin ka sa iba
Patay malisya ko para hindi pahalata

Kahit alam ko na hindi ako ang gusto mo
Bastat wag ka lang mawalay sa piling ko


Tandang tanda ko pa nung tayo'y namasyal
Para kong bodyguard ikaw ang pasusyal
Hindi inaasahan nagkita kayo ng ex mo
Pinakilala mo ako ang kapitbahay nyo


Nakisakay ako sayong mga hiling
Hawak nya kamay mo at ako'y dumarating
Na wag sanang humantong sa pagbi-break
Mahal kita ng sobra kahit di mo ko ma-take


Pinauna mo ako doon sa bahay nyo
Ang sabi mo susunod ka pangako mo
Pero di ka dumating dilat na ang aking mata
Ang pag iyak ay pinipilit kong limutin na


Sa pagmamahal ko sayo
Na wala man lang hinantungan
Ang langit na lang siguro ang makapag sabi
Kung akin ka man ibibigay ka nya sa akin


CHORUS:
Laging siya na lang, Paano ako
Nagmamahal sayo ng totoo
Pag ibig kong ito na kailanman hindi susuko
Laging siya na lang, Paano ako
Nagmamahal sayo ng totoo

Pag ibig kong ito na kailanman hindi susuko
Iniwan mong nag-iisa
Ang puso kong ito na sayo'y nagmamahal ng tapat
Laging siya na lang, Paano ako
Nagmamahal sayo ng totoo
Pag ibig kong ito na kailanman hindi susuko.

Submit Corrections