A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

LHYNDIL, RENTHUGZ FT. SPYKER ONE OF 187 MOBSTAZ lyrics : "TAWID DAGAT"

(Chorus)
Minamahal kita.. Hinihintay kahit nasa kabilang buhay..
Sana'y kayakap ka.. Kahit malayo ka, mahal pa rin kita..

Aaaaaaahhhhhh.. Mahal pa rin kita.. Mahal pa rin kita..
Aaaaaaahhhhhh.. Mahal pa rin kita..


(1st verse)
Sa bawat patak ng luha ikaw ang dahilan
Bawat segundong oras sa puso ikaw ang siyang laman

Naging sanhi ka sa lahat ng kasiyahang nadama
Pinasaya mo buhay ko sa araw na kasama ka
Naging bahagi ka ng buhay di ka kayang limutin

Wala ka man sa'kin ngayon patuloy na hahanapin
Nitong puso na sabik miss ko na ang 'yong halik
Sana'y muli kang magbalik ng ma ibsan na ang sakit

Sa kalungkutan na wala ka ang hintayin ka ay di magsawa
Ikaw ang dahilan bawat ngiti ko sa umaga
Matamis na alaala ang siyang nagbibigay lakas

Sana hindi doon sa alaala lahat magwawakas
Kahit saan ka man naroroon at di kita tanaw
Maghihintay pa rin ako baka sakaling lilitaw

Ang ikaw sa puso ko na matagal ko nang hinanap
Kahit sa kabilang buhay mahal basta't ika'y mahanap, ayos na!


(Chorus)
Minamahal kita.. (Mahal na mahal kita magmula pa sa umpisa)
Hinihintay kahit nasa kabilang buhay..

Sana'y kayakap ka.. (Walang sino man pwedeng pumalit pagkat ikaw lang ang nag-iisa aking sinta)
Kahit malayo ka, mahal pa rin kita..
Aaaaaaahhhhhh.. Mahal pa rin kita.. Mahal pa rin kita..


(2nd verse)
Simula ng makilala ka, ginusto ko na mahalin kita

At sana naman, malaman mong inaasam-asam ka ng puso
At kahit sa isat-isay malayo, ika'y hinding-hindi ko isusuko
Sanay tandaan, hindi man anjan, ang puso ko'y sayo yan ay asahan

Ito na yata ang pag-ibig na kalaban ay tadhana
Kahit gaano ka lupit ang isang makata ay humanga
Kahit minsan lang ako, nagmahal ng ganito

Ay di ko pa maabot dahil ang layo nito
Minsan gusto ko na sunduin siya at doon samahan
Ay hindi ko magawa dahil my pinanghahawakan din ako

Tulad niya, tulad niyo at tulad mo
Ngunit di yon dahilan para hadlangan ako sa gusto ko


((Chorus)
Minamahal kita.. (Mahal na mahal kita magmula pa sa umpisa)
Hinihintay kahit nasa kabilang buhay..

Sana'y kayakap ka.. (Walang sino man ang pwedeng pumalit pagkat ikaw lang ang nag-iisa aking sinta)
Kahit malayo ka, mahal pa rin kita..
Aaaaaaahhhhhh.. Mahal pa rin kita.. Mahal pa rin kita..


(3rd verse)
Magmula ng ika'y dumating sa buhay ko

Puso ko'y nabuo ano bang meron sa'yo
Batid ko na iyong nadarama ang
Pagibig kong alay sa'yo kahit malayo ka

Pagsinta ko na walang hanggan na sa hangin ko dinaan
Tawid dagat man ating pagitan ako sa'yo ay dinuduyan
Papalapit sa'yo panghawakan mo lang

Ang mga pangakong binitawan
Yow ga'no man kalayo sa'king piling
Malapit ka pa rin sa tulong ng mga bituin

Ang liwanag ng mga tala ang s'yang naging daan natin
Upang tamis ng aking halik sayo ay makarating
Wag ka sa'kin mangamba ikaw lang ang bukod tanging laman ng aking puso

Handa ko na mag antay na muli kang makapiling ko
Makayakap kita't makasama t'wina
Sinta mahal na mahal kita


(Chorus)
Minamahal kita.. (Mahal na mahal kita magmula pa sa umpisa)

Hinihintay kahit nasa kabilang buhay..
Sana'y kayakap ka.. (Walang sino man ang pwedeng pumalit pagkat ikaw lang ang nag-iisa aking sinta)
Kahit malayo ka, mahal pa rin kita..

Aaaaaaahhhhhh.. Mahal pa rin kita.. Mahal pa rin kita..
Aaaaaaahhhhhh.. Mahal pa rin kita..

Minamahal kita.. (Mahal na mahal kita magmula pa sa umpisa)
Hinihintay kahit nasa kabilang buhay..

Sana'y kayakap ka.. (Walang sino man ang pwedeng pumalit pagkat ikaw lang ang nag-iisa aking sinta)
Kahit malayo ka, mahal pa rin kita..
Aaaaaaahhhhhh.. Mahal pa rin kita..

Submit Corrections