A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

LEGIS DADOS lyrics : "Balita Hiphop"

Gspot verse:
Balita hiphop? Smoke na lang ayaw ko ng gulo
Kasi nag bago na ngayon ang dating sira ulo

Noon parating na papasubo sa rambol
Ngayon may tumatawag na sakin ng idol
Ang hiphop noon palakihan ng damit

Ang hiphop ngayon nag susuot ng body fit
Salamat ako'y pinag buksan mo ng pinto
Ang mahalin ka hiphop wala akong planong huminto

iilan na lang yung totoo sayo
Yung iba nakiki hiphop para sumabay sa uso
Ang dami mong mga leksyon itinuro sakin

Di ko hahayaan basta ka na lang babastosin
Hiphop? Ilang taon na din tayong nagsasama
Isang bagay na lang ang sayo di ko pa nagagawa

Yun ay ang ma ikama ka, alam mo ba
Na pinag seselosan ka ng dati kong asawa




Chorus:

Balita hiphop? Ano ayos ka lang ba?
Sana di ka malito sa galawang nag iiba
Balita hiphop? Kami ay nangungu-musta?

Sa mundo mo ang dami ng mali kung umasta
Balita hiphop? Ok lang ba ang buhay?
Ang dami na nila unti unti ka ng pinapatay

Alam mo hiphop andito lang kami para sayo
Dahil mananamlay kami kapag ikaw ay lumayo


Mac T verse:
Kamusta hiphop? Ano na ang balita?
Matagal na din ako sayo na ngungulila

Parang kelan lang nung ang hari ay pumanaw na
At naliligaw ang old school kasi nawawala
Bakit ba ganon Bat ang dami kong tanong

At sino ba naman ako para mag marunong
Pakinggan ang aking mensahe puro ang detalye
Bago ang nasa entablado at ang siga ng kalye (YEAH!)

Marami din ang mayayabang
Mabait,makulit,magalang at matapang
Iba't --ibang klase iba't-ibang putahe

Naging guro na ngayon ang dating studyante
Wawalisin ko kung sinong dudungis sayo
Wag ka mawawala hiphop parte ka na ng buhay ko

Dito mo malalaman kung sinong peke sinong tunay
Paninindigan kita parang asawa habang buhay


CHORUS: Balita hiphop? Ano ayos ka lang ba?
Sana di ka malito sa galawang nag iiba
Balita hiphop? Kami ay nangungu-musta?

Sa mundo mo ang dami ng mali kung umasta
Balita hiphop? Ok lang ba ang buhay?
Ang dami na nila unti unti ka ng pinapatay

Alam mo hiphop andito lang kami para sayo
Dahil mananamlay kami kapag ikaw ay lumayo

Submit Corrections