A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

KAMPON lyrics : "Babaylan"

Samahan mo ako patungo sa kabilang ibayo
Sa likod nitong mata, sa loob na siyang labas
Ilawan mo ang aking bawat yapak

Sa mundong hindi masukat ng hugis at kaanyuan

Liwanag na walang kasing dilim

Katotohanang hindi kayang tanggapin
Sa tagpuan ng simula't wakas
Sa iyong patnubay


Dakilang babaylan
Parola sa karagatang hindi mabatid ng mortal na pagintindi

Dakilang babaylan
Sa usok at hiwaga akayin mo ako sa kawalan


Mahikang !@$&awala sa aking paghinga
Kapangyarihang hindi lubusang maintindihan
Ipakita mo ang katotohanang iyong tinataglay

Lihim at sikretong ng sinaunang kabihasnan

At sa iyong muling paglusong sa mga lalim na walang hanggan

Akayin aking kaluluwa sa iyong likuran
Patungo sa sukdulan nitong imahinasyon
Isang daang libong pakpak na pumapagaspas


Buksan mo ang matang pilit na tinakpan
Upang maikubli ang sikretong agham ng arkitektura ng sanlibutan

Arkitektura ng sanlibutan

Liwanag na walang kasing dilim

Katotohanang hindi kayang bigkasin
Sa tagpuan ng simula't wakas
Sa iyong patnubay


Dakilang babaylan
Parola sa karagatang hindi mabatid ng mortal na pagintindi

Dakilang babaylan
Sa usok at hiwaga akayin mo ako sa kawalan


Mahikang !@$&awala sa aking paghinga
Kapangyarihang hindi lubusang maintindihan
Ipakita mo ang katotohanang iyong tinataglay

Lihim at sikretong ng sinaunang kabihasnan

Submit Corrections