A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

JHOMAJIKERO lyrics : "DI MO KO KATULAD"

I
Ikaw ang syang pangarap ko
Ang nagsisilbing ligaya ko

Ang makita ka sa tuwina'y
!@$&pleto na ang araw ko
Sa pagpikit nitong mata'y

mukha mo'ng nakikita ko



Refrain 1:

Sa tuwing nakakasalubong ka sa daan

(Di mo ko pinapansin)
Sa tuwing tinititigan mo ako sa mata
(Tumutulala sa hangin)

Ang aking pag-iisip na maging akin ka
Kaso lang hindi tayo bagay sa isa't isa



Chorus:


Pagkat di mo ko katulad, di ko kayang lumipad
Ng mataas para abutin ang ulap
imposibleng maganap

Ikaw ang Diyosa ng paraisong nagbibigay-ganda
Sa pagkislap ng iyong mga mata'y
natutunaw akong bigla



II

Ikaw ang syang pangarap ko
Ang nag-iisang liwanag ko
Kahit na anong sabihin ay di ko magagawa

Na limutin ka dahil ikaw lamang ang may gawa



Refrain 2:

Na paibigin ako ng husto sa iyo ay

talagang nakakabaliw
Sa bawat ngiti mo sa daan habang naglalakad talagang nakakaaliw
Gusto ko lang malaman mong gusting-gusto kita

Kaso lang hindi tayo bagay sa isa't isa

Chorus:


Pagkat di mo ko katulad, di ko kayang lumipad
Ng mataas para abutin ang ulap

imposibleng maganap
Ikaw ang Diyosa ng paraisong nagbibigay-ganda
Sa pagkislap ng iyong mga mata'y

natutunaw akong bigla



Bridge:

Ikaw ang bituwing makinang

Sa ganda mo'y nahihibang
Ako'y mahirap, ika'y mayaman
Kaya hindi tayo bagay



Chorus:


Pagkat di mo ko katulad, di ko kayang lumipad
Ng mataas para abutin ang ulap

imposibleng maganap
Ikaw ang Diyosa ng paraisong nagbibigay-ganda
Sa pagkislap ng iyong mga mata'y

natutunaw akong bigla

Submit Corrections