JEYAKO lyrics : "Di Ako Magbabago ft. Kent"
Pagmamahal ko sa'yo, ito'y walang halong biro
Pag-ibig ko sa'yo hinding-hindi na magbabago
Ikaw ang laging kasabay papasok sa eskwelahan
Ikaw ang laging kasabay hanggang tayo'y mag-uwian
Laging hinahatid, kahit east and west ang pagitan
Laging nasa isip ko, kahit ako'y nasaan man
Noo'y di ka masyadong gusto pero bakit ganito
Biglang minahal na lang, hindi alam ang dahilan
Binigay ka sa'kin ng maykapal lubos kitang minahal
At umaasa akong tayo'y magtatagal
Kahit na anong mangyari mantiling matatag
Pagmamahalan sa isa't-isa'y hindi matitibag
Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba
Ika'y mahal pa rin, dahil yun ang nadarama
Hinding-hindi magbabago oh aking sinta
Kahit na anong mangyari, ikaw pa rin ang mamahalin ko
Pangako sa'yo, Di ako magbabago
Nagpatibok sa puso ko, ikaw lang nagpadama
Sa akin sinta
Naaalala ko pa nun noon tayo'y nagkakilala
Sa twing maiisip yun ako'y napapangiti pa
Nung inamin mo na ako'y, crush mo pala.
Napangiti ako nun ako'y, naging masaya
At kahit chat lang yun ay, meron pa ring halaga
Inamin ko din sa iyo na crush din kita, pero slight lang diba?
Di bale na, ang impotante'y tayo ay magkasama
Pinapangako ko sa iyo hinding-hindi magsasawa
At balang araw ikaw ay maging aking asawa
Di ko inakalang tayo ay magkakatuluyan
Kahit na sinong humadlang, handa ko 'tong labanan
Basta't di lang tayo maglalayo
'Wag iwan ang pusong ito
At laging tandaan may nagmamahal sa'yo
Lahat ng sakripisyo, gagawin para sa'yo
Binago mo'ng buhay ko
Kahit na anong mangyari, ikaw pa rin ang mamahalin ko
Pangako sa'yo, Di ako magbabago
Nagpatibok sa puso ko, ikaw lang nagpadama
Sa akin sinta
Ngayon landas natin ay nagkita na
Pangako sa isa't-isa, ay walang iwanan
Laging aalalayan, laging aalagaan
Kahit anong mangyari ika'y aking gagabayan
Lahat ay gagawin, makapiling lang kita
Hawakan mo aking kamay ako sa'yo'y gagabay
Hindi ko hahayaang tayo ay magkahiwalay
Kahit anong mangyari sa atin walang susuko
Pag ako ay iwan, di ko kakayanin ito
Pagka't pagmamahalan natin ay hindi matitibag
Halika dito ako na'ng dadala sa iyong bag
Kahit malayo ka, ako sa'yo'y tapat pa rin
Kahit malayo ka, handa ko 'tong tiisin
Itong kanta kong ito, ay alay ko sa iyo
At umaasa akong tayo ay pang habangbuhay
Kahit na anong mangyari, ikaw pa rin ang mamahalin ko
Pangako sa'yo, Di ako magbabago
Nagpatibok sa puso ko, ikaw lang nagpadama
Sa akin sinta...
Kahit na anong mangyari, ikaw pa rin ang mamahalin ko
Pangako sa'yo, Di ako magbabago
Nagpatibok sa puso ko, ikaw lang nagpadama
Sa akin sinta...
Submit Corrections