A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

Gloc 9 lyrics : "Magda feat. Rico Blanco"

MAGDA
Gloc-9 Ft. Rico Blanco


(Chorus)
Magdalena anong problema, bakit di ka makawala sa kadena
at sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon

Magdalena anong problema alam naman natin na dati kang nena
na sa iyong ama ikaw ay prinsesa anong ng yari sayo




Ito'y kwento ng isang babae, tulog sa umaga gising sa gabi

Ang kanyang muka'y puno ng kolorete, sa lugar na ilaw ay patay sinde
Simulan natin ang storya


Ako'y kanyang matalik na kaibigan, Ernesto ang aking pangalan
kwentong dapat nyong malaman, wag ng magbulagbulagan
Bakit ang nais natin ay, malaman ang baho ng iba

pag bibigyan kita, kilala mo ba si magda

Na aking kababata mula pa ng pagkabata

kami lagi magkasama Mga bangkang papel sa sapa,
Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid
at pag syay dumadaan mga leeg ay pumipilipit


Ubod ng ganda noong sya ay nag dalaga
tuwing kausap kona malimit akong tulala

Kahit may nararamdaman pinilit kong isara ang bibig at pintig ng puso sa kanya

At sasayawan matapos kaming makapag tapos,

dahil pinawis ang mukha akoy nag punas ng pulbos
kahit parang di pantay ay nag mamadaling hinila
Pinakilala nya lalake na taga maynila


(Chorus)
Magdalena anong problema, bakit di ka makawala sa kadena

at sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon
Magdalena anong problema alam naman natin na dati kang nena
na sa iyong ama ikaw ay prinsesa anong ng yari sayo (2x)



Maraming taon akoy nalipasan pinilit ko mang takasan

bagkos ay aking nalaman ang tunay kong kailangan
Di ko maibaling ang pag tingin ko sa iba
minamahalko syahahanapin ko si magda


Lumuwas habang nagdarasal na maabutan
sa lugar na ang sabi'y kanyang pinag tatrabahuan

Nakita kong larawan nya na nakadikit sa pintuan
iba man ang kulay ng buhok di ko malilimutan


Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti
at dahil ubod ng saya hindi na nag atubili
Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim

madaming lamesa't mga nag iinumang lasing

Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta

sa maliit na entablado ay nakita ko na
ako ay nagtaka nag tanong nag kamot
Bakit sya sumasayaw ng sapatos lang ang suot


Ito'y kwento ng isang babaeng, Tulog sa umaga gising sa gabi
Ang kanyang muka'y puno ng kolorete, Sa lugar na ilaw ay patay sinde

Ituloy natin ang storya

Agad s'yang sumama sakin walang kakaba kaba

ang trato nya sakin ay nobyo tila kataka taka
Bumaba sa taxing pinara sa may Sta. Mesa
parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena


Kung ito ay panaginip ayaw ko nang magising
ngunit akoy nanaginip umaga na nang magising

Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag
liham para sakin na isinulat nya magdamag
Kahit gulong gulo ang isip pinilit kong basahin

di malilimutan ang mga sinabi nya sa akin

Mahal kong ernesto alam kong tulog mo'y malalim
di nako nag paalam dina kita ginising
Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay

at sa pinaka masayang gabi ng aking buhay

Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko
isang tunay na pag ibig ang matatagpuan ko
Hinanap kung saan saan at kung kani kanino

di ko inakalang ito ang kahahantungan ko

Imbes na ako'y sagipin tinulak sa bangin
ito palang ibig sabihin ng kapit sa patalim
kung mabaho sabunin, Kung makati gamutin

kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin
kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng

Alam ang amoy ng laway ng iba't ibang lalake
isa lang ang kaya kong sayo'y maipagmalaki

Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi
gusto ko mang manatili sayong mga yakap

Ako may natutuwa dahil ako'y iyong nahanap
wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat
At ang katulad ko sayo ay di karapatdapat

pinagarap kong sa altar akoy iyong ihatid

Ngunit sa dami ng pait ang puso ko'y namanhid
di ko makakalimutan ang pabaon mong halik
Pero pakiusap huwag ka na sana pang babalik
Regalo ng may kapal ng ikaw ay makilala
Salamat sa alaala, Nagmamahal magda


(Chorus)
Magdalena anong problema, bakit di ka makawala sa kadena
at sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon
Magdalena anong problema alam naman natin na dati kang nena
na sa iyong ama ikaw ay prinsesa anong ng yari sayo (2x)


Ito'y kwento ng isang babae

Submit Corrections