Warning: session_start(): open(/var/lib/php/sessions/sess_aun2bjvtdd6tme81fqe3216mkh, O_RDWR) failed: No space left on device (28) in /var/www/html/lyricsreg.com/reg.php on line 2

Warning: session_start(): Failed to read session data: files (path: /var/lib/php/sessions) in /var/www/html/lyricsreg.com/reg.php on line 2
Gary Granada : Go-ngo (Once Upon A Tune) lyrics

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

Gary Granada lyrics : "Go-ngo (Once Upon A Tune)"

Dahil gobyerno ang nagpasimula
Imbes mapabuti lalong lumala
Minsa'y iniisip ko, ano kaya

Mas mabuting may gobyerno o wala

Halalan ay kay mahal

Kung nais mong mahalal
Isama sa application
Alyas Vilma, Nora at Sharon


Bahay kubo nang tumakbo
Ay naging palasyo nang nakaupo

Inom at sugal, sigarilyo't babae
Libreng personal na grocery


Bahay tubo, Malakanyang
Ang negosyo roon ay sarisari
Experts, consultants, advisers at media

Sa palibotlibot ay maraming tanga

Sampung mga daliri, panay malilikot

Nangangalabit, nandidikta at nangungurakot
Madudungis na ngipin ng pulitiko
Luho, bisyo, pati tinga pera ng publiko


Kandidatong bobo, lumipad sa langit
Di ko na nakita buhat nang ma-elect

Sayang ang boto kong mura lang ang benta
Nag-enjoy pa sana doon sa artista


My nephew, my niece, my brother and sis
My nephew, my niece, my brother and sis
My nephew, my niece, my brother and sis

Are all political appointees

Doon po sa amin, libreng pagamutan

Alay ni Congressman sa may kapansanan
Nabingi ang bulag, nabulag ang pipi
Napipi ang pilay, napilay ang bingi


Waldas na hands, gastos left and right
Public servant na very bright

Cheat them softly, one two three
Na-wantutri ang botante


Dollar, dollar how I squander
From one country to another
Travel here, travel there

With my relatives and my dear

Kapag ang taongbayan

Ay may problema
Dalawang tenga, dalawang mata
Laging nakasara


Walang kahiraphirap
Kamay at paa

Dilang maliit nagsasabing
Ganda ng rekord niya


***

Dahil NGO ang nagpasimula

Ang mga reports nagkawalawala
Pagkatapos ng isang buong taon
Paplanuhin ang naplano na noon


Magmiting ay di biro
Maghapong nakaupo

Pupusta ako ng sampu
Mas marami ang bangku


Kung kailan nagmimiting
Ay saka !@$&akain
Kung kailan !@$&akain

Ay saka nagmimiting

Napadpad kung saan
Di dapat pag-usapan
Napagkasunduan

Na magmiting na naman

One hour, two hours nang nang-iindyan
Four hours, five hours nang nang-iindyan
Seven hours, eight hours nang nang-iindyan

Natrapik na naman
(kasi may rally, pare...)

Nagrally sa Mendiola
Sanlibo ang magpunta

Nag magtalumpati na
Sasampu ang natira

Nagrally, nagrally
Ang iba't ibang bloke

Ang isyu ng rally
Sino ang mas marami

Paano linawin, paano susuriin
Paano lagumin, paano susulatin
Hirap himayin, kayhirap tumbukin

Pero magaling gumawa ng acronym

Gawa ng gawa ng proposal
Sanay na sanay sa refusal
Damidaming gusto, damidaming konsepto
Di pa nabuo ay mayron nang bago


There was a farmers' joint program
Apir ang dalawang grupo
GO-NGO, GO-NGO, GO-NGO
Nag disappear ang pondo

Submit Corrections