A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

DUH JGARAGE lyrics : "Paasa"

Mga tanong mga sagot; mahal mo ba ako?
Bakit di mo ako ipaglaban?
Mga tanong sa isipan, hindi ko na kayang

Lumingon sa ulap nang mga nakaraan

Oh bakit ba hindi mo na, kinilala nang husto

Ang damdaming nagsisilakbo

Chorus:


Para bang ako'y may taning
Mga araw di masabing

Ohh... Ako'y abo sa hangin
Di mo ba nakikilala ang pag-ibig ko
Napapagod ako... Sa paikot-ikot na mundo


Isang kahig isang tuka, kinalimutan nang araw
Saklolo at sigaw ang aking hiyaw

Isang idlip, isang tulog; nangungutya ka ba
Pare-pareho ang inaasa


Oh bakit ba hindi mo pa pinaalam nang husto
Sa puso kong nagsumamo


Chorus:

Para bang ako'y nakapit

Sa puso kong umawit
Ohh... Ano itong sinapit
Di mo ba kinikilala ang pag-ibig ko

Sawang sawa na ako, dahil pinaikot mo ang aking mundo

Hindi ko alam ang pagkukulang ko

Isang tulirong nakikinig sa iyo

Limutin ang mga pangakong ngiti

I-ahon ang sarili sa pighati
Mga hinagpis ay palayain sa gabi
Sasaya ako, ohh...

Malilimutan rin kita.

Chorus:


Para bang ako'y may taning
Mga araw di masabing

Ohh... Ako'y abo sa hangin
Ayoko nang ipakilala ang pag-ibig ko
Natutuwa ako, dahil nagising na rin ako


Para bang ako'y may taning
Mga araw di masabing

Ohh... Ako'y abo sa hangin
Ayoko nang ipakilala ang pag-ibig ko
Natutuwa ako, dahil nagising na rin ako

Submit Corrections