A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

DAPRERO lyrics : "Sa Wakas"

Nang una kang makita ako na ay nabighani
Sa bawat kilos mo ang mundo ko ay nahahati
Kaya magmula noon gusto ko sa'yo pumorma

Pero grado ko pa lamang wala na sa'yong pag-asa
Lupa langit ang agwat ito ating kaibahan
Sa pagpasok sa eskwela laging inaabangan

Sa tuwing uwian ay gusto kitang ihatid
Ngunit di makalapit dahil sa'yo tagilid
Magtatapat na sana na ika'y minamahal

Ngunit biglang nangatog at bunganga ay nautal
Di ako nahihiya pag sa ibang babae
Pero pagdating sa'yo heto akong isang torpe

Akin nang isisigaw lihim na pagmamahal
Kahit sabihin mo pang kapal muks at epal
Sana tula ay dinggin gusto ko ipabatid

Ang pag-ibig sa harap mo na di maihatid

Sa wakas tayo ngayo'y kasama na

Di maipaliwanag ang sayang nadarama
Di na ako magmamahal ng iba
Wala na 'kong hahanapin pang iba

Ikaw lang nagpatibok sa puso kong ito
Noo'y di naman ako ang siyang gusto mo
Ngunit bakit ganit landas natin ay nagkatagpo

Landas natin ay nagkatagpo kahit anong mangyari ako'y hindi lalayo

Rokean 2nd verse

Minsan ako'y nakayuko't taimtim na nan!@#^angin
At nagbabakasakali na sa'kin ka mahumaling
Kaya't nawa'y bigyan ako ng konting pagkakataon

Upang ipagtapat sa'yo'ng nilalaman ng aking puso
Sagutin mo lang ako ibibigay lahat sa'yo
Pagkat puso kong ito kailanma'y di na magbabago

Kahit na sariling buhay ay ibibigay sa'yo
Pinapangako sa iyo na ito'y walang halong biro
Na ipagkakaloob pag ibig na walang hangganan

Ikaw lang at ako ang tanging nakakaalam
'Sang sikretong mahiwagang di nila dapat malaman
Yun ang pag iibigang namulat sa katotohanan

Na ikaw lang at ako kailanma'y di na magbabago
Kahit sabihin natin na ang mundo ay gumuho
Lagi kang gagabayan kahit sa'n ka man patungo

Magtiwala ka lang sa'kin hinding hindi ka isusuko

Sa wakas tayo ngayo'y kasama na

Di maipaliwanag ang sayang nadarama
Di na ako magmamahal ng iba
Wala na 'kong hahanapin pang iba

Ikaw lang nagpatibok sa puso kong ito
Noo'y di naman ako ang siyang gusto mo
Ngunit bakit ganit landas natin ay nagkatagpo

Landas natin ay nagkatagpo kahit anong mangyari ako'y hindi lalayo

Jeyako(me) 3rd verse

At sa wakas ang landas natin ay nagkita na
Katumbas ng wagas na pag-ibig ko sinta
Ang pag-ibig ko sa'yo walang makakapantay

Ang pagmamahal ko sa'yo lamang ibibigay
At natapos na rin ang aking paghihintay
Ang pag-ibig ko sa'yo ay kasing tamis ng kalamay

Pag ika'y laging nakikita di nakakaumay
Noon ako sa'yo ay patay na patay
Pero ngayon lebel natin ay pantay na pantay

Pag ako'y iwan mo ito'y aking ikamamatay
Di ko hahayaang tayo ay magkahiwalay
Sundan lang natin ang liwanag na ating nasimulan

Pangako natin sa isa't isa ay walang iwanan
Ako'y palaging nandiyan kahit di mo 'ko kailangan
Pagmamahal ko sa'yo ito'y walang hangganan

At sana'y ikaw na lang ang aking magpakailanman

Sa wakas tayo ngayo'y kasama na

Di maipaliwanag ang sayang nadarama
Di na ako magmamahal ng iba
Wala na 'kong hahanapin pang iba

Ikaw lang nagpatibok sa puso kong ito
Noo'y di naman ako ang siyang gusto mo
Ngunit bakit ganit landas natin ay nagkatagpo
Landas natin ay nagkatagpo kahit anong mangyari ako'y hindi lalayo


Sa wakas tayo ngayo'y kasama na
Di maipaliwanag ang sayang nadarama
Di na ako magmamahal ng iba
Wala na 'kong hahanapin pang iba
Ikaw lang nagpatibok sa puso kong ito

Noo'y di naman ako ang siyang gusto mo
Ngunit bakit ganit landas natin ay nagkatagpo
Landas natin ay nagkatagpo kahit anong mangyari ako'y hindi lalayo

Submit Corrections