A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

DANI LOUI lyrics : "ANNA"

Kay lamig ng simoy ng hangin.
Tahimik sa mahabang gabi.
Mag-isang naglalakad sa dilim.


Iniisip kita kahapon pa nung natapos na'ng lahat.
May kasiyahan at may maingay na nagaganap.


Nadatnan na lang kita't ako'y nagulat.
Ika'y nasa isang tabi't naka-akbay siya sa'yo.

Ako'y dahan dahang umalis.

Nakakabaliw, wala akong nasabi.

Nagseselos na ba ako?
Sana nung kasama ka ay tinanong na ng maaga.
Bakit nakilala ka pa? Nakakainis.


Umasa pa akong may mangyayari ngayon.
Gusto ko lang naman makilala ka pa bago mag-pasko.

Ngunit ang totoo'y alam mo na siguro.
Pero para saan pa? Nangaroling pa ako sa bahay niyo.


Sa ganda mong yan tsaka ko lang natanto,
malamang meron ka nang nobyo.
Isang hapon nakasalubong ko kayo

Para bang mundo ko'y huminto't nangatog ang tuhod ko.

Wala na 'tong patutunguhan.

Kailangan ko na lang tanggapin.
Ipagpaliban ang nararamdaman at lalo lang masasaktan sa huli.

Submit Corrections