A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

BASILYO lyrics : "Lord Patawad"

Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan
Baka may kakilala Ka na pwede kong utangan
Kasi alam Mo na sa tong-its talo ako

Pwede bang bigyan ako kahit anim na numero?

Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan

Sana'y may artista na maka-date man lamang
Okay lang sa akin kahit na si Joyce Jimenez
Sana ako'y pumogi, pumuti at maging flawless


Kinakausap lang Kita kapag nangangailangan
Noong ako'y binasted ng aking nililigawan

Problemado po ako at wala 'kong pang-inom
ang hina ko Sa'yo, yun ang hinala ko noon


Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan
Ang aking iniisip ay puro pang-sarili lamang
kapag may mabigat na problema at seryoso

Doon ko lamang naaalala ang pangalan Mo

CHORUS

Lord, patawad
Pagkat ako'y makasalanan
Makasalanang nilalang

Lord, patawad
Pagkat ako'y makasalanan
Makasalanang nilalang


Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang
'Pag may bagong damit na ipagyayabang

'Pag may bagong biling mahal na pabango
Kapag bago ang shoes o kaya ang relo


Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang
Pag may jowa akong makakalampungan
Kapag may mga bebot na ang gaganda

Kapag merong baklitang nakakatawa

Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang

'Pag andyan ang tropa't nagkayayaan
hahanap ako ng mapagtitripan
Pagkatapos ng misa ay aabangan


CHORUS
Lord, patawad

Pagkat ako'y makasalanan
Makasalanang nilalang
Lord, patawad

Pagkat ako'y makasalanan
Makasalanang nilalang


Akala ko dati ay kaya ko na
Kaya ko nang mabuhay mag-isa
Ang daming trabaho, babae't pera

'Pag ako'y sagana 'di Kita kilala

Naalala Kita noong ako'y nakulong

Parang bubuyog, bulong ng bulong
'Pag may kamalasan sa 'king na nangyari
Ikaw lang nang Ikaw aking sinisisi


Kapag merong debate, sinong magaling?
Sinong matuwid sino ang nagsinungaling?

Ako'y naiiling at mistulang santol
'Di man lamang Kita kaya na ipagtanggol


SINOSOLO KO LANG ANG BIGAY MONG BLESSING!
'Pag !@$&anta ako dapat ay bayad din
Bakit nga ba Sa'yo ay wala akong time

Pa'no kung Ikaw na ang mawalan sa akin ng time?

Lord, patawad

Lo-o-o-o,o-o-o
Lord?


Lord, Lord, Lord, patawad
Lo-o-o-o,o-o-o
Lord?

Sa puso ko'y lagi Siyang !@$&akatok

'Di ko binuksan, 'di ko pinapasok
Tuktok ng bundok na Kanyang inakyat
Tignan ko pa lang ako ay nilagnat

Dapat ako ang ipako sa cross

Dapat ako ay siyang nanlilimos
Nag-awad ng tawad sa ating Ama
Ngunit masama pa ang pinadama

Dadadadadadadadadada

Puro ako salita at dada
Sa biyaya ako'y naaatat
Pero kahit kailan 'di nagpasalamat

Nagduda ako sa kakayahan Mo

'Di ako nararapat Sa'yo
Masyado akong mapagmalaki
Pero kahit kailan, hindi Ka nag-higanti

Lo-ord, patawad
Lo-o-o-o,o-o-o

Lord?
Pagkat ako'y makasalanan
Makasalanang nilalang

Lord, Lord, Lord, patawad
Lo-o-o-o,o-o-o
Lord?

Pagkat ako'y makasalanan
Makasalanang nilalang


Submit Corrections