A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

BANKS SQUAD ( MEDIKK, EI-JHAY, EMCEE RHENN & K.I ) lyrics : "Binalewala Mo Lang"

1st verse: Medikk
Ano bang ginawa ko na mali upang ipamukha mo sakin na
ako'y nagkamali sa pagpili sa babae na

aking minahal ng sa ganon ako'y lumigaya
ngunit kabaliktaran lahat ng naganap at wala akong nagawa kundi
ang lumuha sa gabi't umaga pag naalala ang nakaraan kung san ako nagpakatanga

nang inibig kita ngunit ang tanging pinadama kalungkutang iniibsan pa ng pagkabalisa
at nawalan ng puwang kasiyahan saking damdamin buhat ng ako'y paikutin mo
ang limutin ka parang ang hirap pa kaya susubukan at pipilitin ko

kase kailangan nga talaga sa kadahilanan kahit kasiyahan pag tinalaga
kasalanan lang talaga kung pagsisiksikan ko sarili ko tas di lang bibigyan ng halaga
ang katulad ko na tinulad mo lang din naman sa mga nagdaan mong nakaraan

pinaibig muna ng lubusan nang lubos na masaktan pag nalaman na ginagawa mo na pala na laruan

Chorus: Ei-Jhay

Hindi naman ako mang mang para di ko mapansin ang mga
ginagawa mo niloloko muna akopinagmumukang tanga muna
sa mata ng iba pinapaikot muna

parang gulong-gulo na ako sa sitwasyon natin nato

2nd verse: Ei-Jhay

alam mo ba buhat ng maging tayo di ko naman talaga inaasahan na
magiging ganito ang sitwasyon na iniingatan ko noon
pero bakit ba ngayon biglang nagbago ang isang katulad mo

di makapaniwala wala ng nagawa wala namang rason para iniwan ako
ngayon ay nangangamba bakit di kana bumalik at sa sasapitin ko
masakit sa da damdamin ay lalo pang mahirapan magdusa iniwan mo nalang basta

pinaikot mo nalaman ko na meron kana palang iba
bakit mo ginawa sakin to bakit iniwan mo ako
yan ang palagi kong tanong na ibinubulong(bulong)

ang mga bagay na to o talaga dahil sa kadahilanan
hindi tayo para sa isa't isa


Chorus: Ei-Jhay
Hindi naman ako mang mang para di ko mapansin ang mga
ginagawa mo niloloko muna ako pinagmumukang tanga muna

sa mata ng iba pinapaikot muna
parang gulong-gulo na ako sa sitwasyon natin nato


3rd verse: Emcee Rhenn
alam ko namang di ayon satin oras man o panahon ay di ko magawa
nasisihin pagkatapos na mahulog ang damdamin ko sayo di inakala hinagpis mapapala

nang matapos ang lahat ay di ko lubos isipin na isa palang bangungot ang matamis na panaginip
na akala ko nung una ang saya walang patid bagkos isa lang kabiguan lamang ikaw at sa halip
ay nailaban mo ang pinulang pagmamahalan na ikaw pa ang tumutulak sakin ng papalayo

ano bang kasalanan ko sabihin mo naman sabihin mo naman pagkat hirap ng tumayo
ang mga paang sa putik ay nakalubog di ko sukat akalain na tama aking kutob
at mga usap usapan na dinig ko sa iba nag tengang kawali na ako upang hindi ko madama

bakit palaging sinasabi sa sarili na kung pupwede pang magbago ang mga
bagay na alam kong hindi na mababawi kahit na sayo ay magmukang tanga
na pa ulit ulit ulit ulit na sumasampal sa aking pagmumukha

ang magpaalin ng walang katapusan lahat sinusunod na para bang kautusan
oo tanga na tanga na kung tanga pwede ba tama na tama na ayoko na
ang dibdib ko'y punong puno tila sasaboh na

sa pagtitiwala ko lahat pinusta ng matapos ang lahat diba kamusta
biglaang lumamig nag iba na ang asta ni hindi ko namalayan biglang tapos na


Chorus: Ei-Jhay
Hindi naman ako mang mang para di ko mapansin ang mga
ginagawa mo niloloko muna ako pinagmumukang tanga muna

sa mata ng iba pinapaikot muna
parang gulong-gulo na ako sa sitwasyon natin nato


4th verse: K.I
Kundi mo lang alam ay labis talaga akong nasaktan
bakit ang puso ko pa ang napili mong paglaruan

minahal naman kita ng lubusan
bakit kaylangan ko pang maranasan ang lahat ng ito
ano bang masamang ginawa ko nagkulang ba ko ibinigay ko saiyo ang lahat

pero ginago mo ko di ka sakin naging tapat
pagkatapos ng aking mga ginawa ito pa ang aking mapapala
sana di nalang kita nakilala at minahal para di ko nadama

ang sakit bakit mo nagawa sakin ang mga bagay na ito
minahal naman kita ng totoo bakit mo nagawang paikutin ako
sayong mga kamay akala ko pa naman ang pagibig mo sakin ay tunay

pero nagkamali ako di ko nalang dapat na ibinigay
ang buong puso ko sa isang katulad mo na di marunong magmahal
magpahalaga dapat sinabi mo na sakin ng di na tayo tumagal
ang pagsasama nating dalawa na puro kasinungalingan lang pala
ang lahat ng mga sinasabi mo sakin na ako lang ang mahal mo ay hindi pala

totoo buti nalang agad na nalaman ko
na hindi ka talaga seryoso sa isang katulad ko
akala ko pa naman ikaw na ang magtatayo sakin mula sa pagkadapa
pero nagkamali ako ikaw pala ang magpapatulo ng aking mga luha sa mata(di ko inakala)


Chorus: Ei-Jhay
Hindi naman ako mang mang para di ko mapansin ang mga
ginagawa mo niloloko muna ako pinagmumukang tanga muna
sa mata ng iba pinapaikot muna
parang gulong-gulo na ako sa sitwasyon natin nato

Submit Corrections