A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

BANGON lyrics : "Jblaze Ft. Kharla Credo"


CHORUS:
Mapagbiro man ang mundo..

ay kaya natin ito..
pag tayo ay nag tulong tulong naghawak kamay..tayo ay babangon


Hindi pa to katapusan ng buhay mo..
pagsubok lamang ito...
kakayanin natin ang mga hamon na sa atin lumalamon...



Jblaze

1st VERSE:
Sa likod ng mga ngiti , ay di mo matatanggi
na may kirot at hapdi , na pilit ikinukubli

di natin mabasa ang takbo ng ating kapalaran
dapat maging handa sa pwede nating maranasan


kaya maging matapang pag hindi natin kayang
baguhin ang tinadhanang masaklap na kaganapan
ang lahat ng kasalanan ating pinagbabayaran

ngunit ang kaitaasan lang ay may kapangyarihan

na baguhin ang lahat kaya tuloy kalang sa laban

walang problema na hindi natin makakayanan
ang lahat may kasagutan mahirap man ang tanong
bakit nangyayari satin ang lahat ng to ngayon


ngunit kahit na ganon, tayo ay mga pinoy
malubog man ng ilang ulit lalangoy sa !@$&unoy

upang muling makabangon sa baksik ng kalikasan
kahit napakasakit ay tatayo ng dahandahan kahit sugatan.



CHORUS: Kharla Credo :


Mapagbiro man ang mundo..
ay kaya natin ito..
pag tayo ay nag tulong tulong naghawak kamay..tayo ay babangon


Hindi pa to katapusan ng buhay mo..
pagsubok lamang ito...

kakayanin natin ang mga hamon na sa atin lumalamon...



Jblaze
2st VERSE:
maraming bagay ang nasira at saatin nawala

ang lahat ay umaasang may milagro't himala
sa libo-libong mga buhay na binawi at nasayang
ipo-ipong may ulan at dagat ang may kasalanan


kung bakit nagdurusa at kung bakit nadapa
ganun pa man, tumayo ka at ika'y magsimula

dambuhalang mga alon man ang satin ay lumamon
di titigil sa pag ahon hanggang tayo'y makabangon


baldi balding mga luha ang pumapatak sa lupa
wag maubusan ng pag-asa dahil bukas may umaga
masisilayan mong malinis ang kalangitan

isang patunay na ipagpatuloy ang nasimulan

wag kang sumuko at wag kang panghihinaan ng loob

malakas man ang kabog ay lalabanan ang kulog
at ISIGAY NA DI MO KAYANG PATAYIN ANG APOY KO
SA AKING PUSO DAHIL NGA "BAGYO KA LANG" PINOY AKO!!!!!



CHORUS: Kharla Credo :


Mapagbiro man ang mundo..
ay kaya natin ito..

pag tayo ay nag tulong tulong naghawak kamay..tayo ay babangon

Hindi pa to katapusan ng buhay mo..

pagsubok lamang ito...
kakayanin natin ang mga hamon na sa atin lumalamon...


KHarla Credo

Bridge:
Ilang Bago Man O Delubyo Ang magdaan
ako'y babangon at babangon at patuloy na lalaban
at kahit na paulit ulit akong masaktan
sa agos ako'y sasabay kaya ko yan

pagkat ako ay pilipino , kaya mo yaaannnnnnn......

Repeat Chorus:

end...

Submit Corrections