A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

ARTIFICIAL OCTOBER lyrics : "Ikaw Pa Rin"

Hindi mo man ako matawagan palagi
Matulugan mo man ako sa bawat gabi
Hindi man kita madalas kapiling

Ikaw at ikaw pa rin

Wala ka mang maire-regalo sa akin

Kahit araw-araw ka pang maging ulyanin
Kahit minsan nga'y ikaw ay masungit
Ikaw at ikaw pa rin


PRE-CHORUS:
Lahat ng bagay ay mawawalan ng saysay

Kung wala ka naman sa aking buhay
'Di bale nang ako'y mamatay


CHORUS:

Wala na 'kong mahihiling

Wala na 'kong hihintayin
Kahit saan, kahit kailan ikaw pa rin
Ilang buwan man ang dumating

Kahit sino pang tumingin
Maniwala ka sa akin
Ikaw at ikaw pa rin


Tumanda ka man at mabungi
Lumabo man ang iyong paningin

Humina man ang iyong pandinig
Ikaw at ikaw pa rin


Madalas ka mang maging sumpungin
Lagi ka mang maging matampuhin
Hindi mapapagod na ikaw ay suyuin

Ikaw at ikaw pa rin

[PRE-CHORUS then CHORUS]

[ADLIB]
[CHORUS]

Submit Corrections