A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

ALFIE CEREZA lyrics : "Himig Ng Cotabato"

Verse I
Kahit sa'n man ako makarating
Maging sa ibayong-dagat man ako dalhin

Ang pangakong binitiwan ay dadamhin
Di maglalaho, ito'y aking tutuparin


Verse II
Namulat sa dakila mong lupain
Nasilayan na rin ang ganda mong angkin

Sumapit man ang araw na ika'y di mapansin
Ang himig na ito'y sasambitin


Chorus:
Lungsod ng Cotabato
Bumabangon sa anumang hamon

Malayang adhikain
Patungo sa landas na inaasam


Lungsod ng Cotabato
Ang hiwaga ay humahalina
Mga pagsubok ay kinakaya

Namumukod-tangi ang iyong taglay

Verse III

Kahit ilang unos pa ang dumating
Makakaahon sa lahat ng suliranin
Ang bawat hirap ay mayroong katapusan

Ang p!@#^angin ay lagi Nyang pakikinggan

Verse IV

Sa bayan na aking pinagmulan
Hindi pa man malinaw ang kahihinatnan
Mananaig ang pagkakaisa upang mahagkan

Ang minimithing kaunlaran

(Repeat Chorus twice)


Pag-asa sa iyo'y walang hanggan
Pangako di kita tatalikdan...

Submit Corrections