A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

Aikee lyrics : "Kahit Bata Pa Ako"

Kahit bata pa ako (Kahit bata pa ako)
Alam kong minamahal kita (Minamahal kita! )
Hindi ito isang laro 'di ako nagbibiro

May puso rin ako,
Kahit bata pa ako


Anu ba 'tong nararamdaman bakit gan'to?
Sa t'wing nakikita kita ako'y napapahinto
Ako'y natataranta, at kinakabahan

Sa tuwing dadaan ka sa aking harapan
'Di ko maintindihan kaya't lumapit sayo
At nang una kang makausap ni-nerbiyos ako

At nawala na lang bigla ang aking kaba
Nang may nakita akong ngiti sa iyong maamong mukha
Nakipagkilala ka't inabot ang iyong kamay

Hangga't sa pag-uwi tayo ang magkasabay
Masayang nagkukulitan habang nag kukwentuhan
At kahit kailan hindi ko 'to malilimutan


[Repeat chorus:]
At magmula non napalapit na ko sa iyo

Masaya ako sa t'wing magkasama tayo
Sa t'wing papasok sa iskwela, hanggang sa pag-uwi
At pag nag-lunch break na tayong magkatabi

Ikaw ang tumutulong sa mga homework ko at pagkatapos
Sabay tayong naglalaro ng PS2 at ng ragnarok sa pc
Nanonood ng gusto kong cartoons sa tv na slamdunk o ng dragonball z

Nandyan siya pag napagalitan ni daddy
Hindi umaalis, She never leave me alone...
Sinong di maaalis sa mga text sa phone, Di ba?


[Repeat chorus:]
At para bang biglang nagunaw ang aking mundo

Nang mabasa ko ang liham na pinaabot mo...
Na kailangan mong lumisan at mang ibang bayan
Kaya't sa akin ikaw ay nagpaalam

At 'di ko alam kung babalik ka
Kaya't para kong halaman na biglang nalanta
Na nawalan ng sigla unti-unting tumumba

Inaasahang makakasama ka hanggang pagtanda
Pero kahit na mahirap to' kailangang tanggapin
Kahit masakit 'to kailangang tiisin

Kailangan 'tong gawin para 'yong marating
Ang mga pangarap ko kailangan kong abutin
At sana balang araw makita kang muli...

At sana balang araw makasama kang muli...
Tandaan lang na kahit saan ka magpunta...
Na "kahit bata lang ako mahal na kita!"


(Repeat chorus 2x)

Submit Corrections