A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

Acel Bisa lyrics : "Sayang"

Gising na, harapin ang umagang maganda
Lagi na lang, nasa sulok, nagmumukmok
Bata ka pa, marami ka pang di nararanasan

Wag kang magpaiwan, pagka't oras ay walang hinihintay
Sumigaw, indak ng panaho'y iyong isayaw
Maglaro't, tumalon-talon, wag bilangin problema ng panahon

Habulan, taguan, sa munting paraiso'y magmahalan
Tingnan mo ang mga bituin, lagi lang nagniningning
Sayang, sayang. Bakit mo hinayaan?

Sayang, sayang. Bakit pinabayaan?
Di mo maibabalik, araw na lumipas
Wag problemahin ang bukas ay para bukas

Sayang, sayang. Bakit mo hinayaan?
Sayang, sayang. Di mo na nadaanan?
Sayang, sayang. Bakit pinabayaan?

Submit Corrections