A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

Acel Bisa lyrics : "Pakiusap"

Bukas ay may bagong araw
Na sisikat na bahagya ang ningning
Kahit ang ulap nagpapakulimlim

Pilit sumisilip ang gintong liwanag
Sa likod ng tabing


Pakiusap sa'yo kung susulyapan
Na kahit lihim lang
Sana'y may ngiting para sa akin

Pakiusap sa'yo kung lilingon ka man
May maiiwanang buntong-hiningang
May himig ng awit na hatid ng hangin


Tulad ng ngiti mong matipid sumilay
Pilit sumisilay na paminsan minsan

Hindi man malimit, hindi man palagi
Pagka't ang ngiti mong sumilay sa labi
Ay tulad ng ngiti ng araw

Sa likod ng ulap

Pakiusap sa'yo kung susulyapan

Na kahit lihim lang
Sana'y may ngiting para sa akin
Pakiusap sa'yo kung lilingon ka man

May maiiwanang buntong-hiningang
May himig ng awit na hatid ng hangin

Submit Corrections