A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

ABRA lyrics : "Ilusyon ft. Arci Muñoz"

Chorus:
Nasan na ba ang pagbabago? San?
Wala parin pala kaming mga bulag sa katotohanan

Ngayon nakakakita na
Kayo na nga tong pumapapel
Pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa

Bahala na kayo sa buhay niyo
Basta wag niyo kong gagawing tanga
(wag niyo kong gagawing tanga)


Ilang dekada na ba, nakapagtataka na
Wala paring pagbabago ng pagkatagal na

Imbis na mataranta, aba nagbabalak pa
Pagtakpan ang matagal ng halatang halata


Palakihan ng lote paramihan ng kotse
Para di mangamote, bayanihan ng konte
Matapobre, talagang plastikan ang forte

Natutulog sa pansitan na sandigan ng korte

Sakit, ng lipunan kayo ang ebidensya

Sakit, oo pero ngayon ay epidemya
At sa Pilipinas ang mga elektibo
Nagpapaka bibo at hindi epektibo

Puro salita pero ni wala man lang pruweba
Magpapaka-propeta para walang protesta
Sa nakaraang problema ano ba ang solusyon

Kung ang lahat ng nakikita ko ay isang Ilusyon

Chorus:

Nasan na ba ang pagbabago? San?
Wala parin pala kaming mga bulag sa katotohanan
Ngayon nakakakita na

Kayo na nga tong pumapapel
Pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa
Bahala na kayo sa buhay niyo

Basta wag niyo kong gagawing tanga
(wag niyo kong gagawing tanga)


Walang nakaisip ng nasa palagid
Mabaho, madumi at kadalasan mainit
Tambakan ng basura kahit na saang gilid

Nag trapik parang bang kada kalsada makitid

Laganap na kotongan, sus Maria!

Mga driver tingin sa kanilang bus tamiya
Bayarang kababaihan para !@(& makita
Ganyan talaga resulta pag kapos ang kita


Kapag umulan wag susubukang bumiyahe
Madalas ang pagbaha may lumulutang na tae

Sandamukal na problema pupuhunan daw sabi
Tutulungan, tutulugan, tututukan kunyari


Ngayon sabihin niyo kung nasan diyan ang pagbabago
Baka nakasalamin ako pagkataas ng grado
Kasalakuyang problema ano ba ang solusyon?

Kung ang lahat ng nakikita ko ay isang Ilusyon

Chorus:

Nasan na ba ang pagbabago? San?
Wala parin pala kaming mga bulag sa katotohanan
Ngayon nakakakita na

Kayo na nga tong pumapapel
Pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa
Bahala na kayo sa buhay niyo

Basta wag niyo kong gagawing tanga
(wag niyo kong gagawing tanga)


Marami pang mga kababayang habang buhay na pagod
Pagkat hanap ng hanap ng hanapbuhay sa abroad
Iiwan ang pamilya para ang tagumpay ay maabot

Naka!@$&ay ang sagot kaya ako ay nayamot

Di kayo makapagbigay ng mga trabaho

Kaya di dapat kinailangan na mangako
San na ang pagbabago
Taray naman, imbis na magbagong buhay, bagong bahay na lang

Habang marami nagugutom at walang matirhan

At abot kaya na gamot wala man lang mabilhan
Edukasyon sa lahat di magawang pagbigyan
Kayo ang boses ng Taong di nyo kayang pakinggan

Magandang kinabukasan na orasan ko yon

Di ba dapat ngayon ang kinabukan noon?
Kinabukasan ng problema ano ang solusyon?
Kung ang lahat ng nakikita ko ay isang ilusyon?

Chorus:

Nasan na ba ang pagbabago? San?
Wala parin pala kaming mga bulag sa katotohanan
Ngayon nakakakita na
Kayo na nga tong pumapapel
Pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa

Bahala na kayo sa buhay niyo
Basta wag niyo kong gagawing tanga
(wag niyo kong gagawing tanga)

Wag na wag, wag na wag!

Submit Corrections