A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

WILLY SAN JUAN lyrics : "Guro"

Kasama na kita
Noong ako ay bata pa
Pangalawang magulang ka

Sa buhay kong ito

Aking kaalaman

Unti-unting hinubog mo
Kahit minsa'y dahilan ako
Sa sakit ng ulo mo


Ika'y aking gabay
Sa musmos kong kaisipan

Dahil sa yo nagisnan ko
Ang susi at ganda ng buhay
Ay karunungan

Koro
Ikaw ang Guro
Ng aking paglalakbay

Minana kong yaman
Sa yo'y kaalaman
Pagmamahal sa Bayan

At sa Maykapal
Pabaon mo sa 'kin
Habang buhay


Kaya't sa araw na ito'y
Sumasaludo ako

Kasama ko ay ang
Sambayanang Pilipino


Nagpupugay sa yo
Sa serbisyong inalay mo
Ilaw ka ng karunungan

Ika'y sadyang gabay
Sa puso ng kabataan


Ulitin ang Koro 2x

Pabaon mo sa aki'y

Kaalaman

Submit Corrections