A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

SIDE A lyrics : "Ako'Y Sa'Yo"

Ikaw na ang may sabi
Na ako'y mahal mo rin
At sinabi mong ang pag-ibig mo'y

Di-magbabago.

Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit

Ika'y lumalayo
Puso'y laging nasasaktan pag may kasama
Kang iba

Di ba nila alam
Tayo'y nag-sumpaan
Na Ako'y sa'yo at ika'y akin lamang


Refrain
Kahit ano pa ang mangyari pag-ibig

Ko'y sa'yo pa rin
At kahit ano pa ang sabihin nila'y
Ikaw pa rin... Ang mahal...

Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako'y nasa
Langit na

At kung di ka nakita makikiusap kay Bathala
Na ika'y hanapin, at sabihin
Ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan

Na ako'y sa'yo at ika'y akin lamang...

Umasa kang maghihintay ako kahit kailan

Kahit na umabot pang ako'y
Nasa langit na
At kung di ka makita makikiusap kay Bathala

Na ika'y hanapin, at sabihin
Ipaalala sa iyo ang nakalimuatan sumpaan
Na ako'y sa'yo at ika'y akin lamang...


Submit Corrections