A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

JULIE ANNE SAN JOSE lyrics : "Tangi Kong Hiling"

Bakit lagi nalang nagtatanong
Damdamin ko'y gulong-gulo
May pagkukulang na hindi mapuno

Hindi malaman kung saan sisilong
Ako'y urong sulong di totoo
Ang puso ko'y laging bigo


Kailan makikita, kailan madarama
Ang tunay na pagmamahal ng iyong sinta

Laging naghahanap, laging nangangarap
Sa bituin nagniningning matutupad
Ang tangi kong hiling


Sadyang mapagbiro ang tadhana
Bigla-bigla kang gugulatin

Saan-saan ka hihilahin
Hanggang kailan itong pagdurusa
Lagi akong natutulala


Tangi kong hawak ang aking pag-asa


Kailan makikita, kailan madarama
Ang tunay na pagmamahal ng iyong sinta
Laging naghahanap, laging nangangarap

Sa bituin nagniningning matutupad
Ang tangi kong hiling


Hahanapin ko ang kaharian mo
At makikita ko ang tunay kong anyo
Kasama mo sapat na ito ohhh


Kailan makikita, kailan madarama
Ang tunay na pagmamahal ng iyong sinta

Laging naghahanap, laging nangangarap
Sa bituin nagniningning matutupad
Ang tangi kong hiling

Submit Corrections