A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

Freestyle lyrics : "Hindi Na Ba Pwede"

Hindi na ba pwede,
Wala na bang pag-asa
Pag-ibig sa iyo'y,

Wala na bang ibubuga
Kasiyaha'y pansamantala lamang pala
Saan ako nagkulang,

O di kaya'y sumobra
Kung ano man iyo'y,
Sabihin mo na sana

Mga luha'y di na malabanan pa
Para bang hindi na mawawala
Hindi na kaya pang magmahal ng gan'to

Hindi magmamahal kung hindi rin sa iyo
Hindi na kaya pa...
Kahit anong mangyari

Huwag kang mag-alinlangan
Sasabihin sa iyo,
Ang aking nararamdaman

Ikaw lamang ang aking inaasam-asam
Tingin mo ba sa aki'y
Hanggang kaibigan lamang

Kung ganoon man iyo'y
Sabihin mo na lamang
Kalungkuta'y aking pinangangamba

Para bang wala nang magagawa
Hindi na kaya pang magmahal ng ganito
Hindi magmamahal kung hindi rin sa iyo

Hindi na kaya pa...
Sana'y malaman mo
Ang pag-ibig kong ito'y totoo...

Submit Corrections