Bakit Ba Ganito lyrics

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

Floetics lyrics : "Bakit Ba Ganito"

Bakit ba ganito ang buhay ko lagi
Nalang nasa baba wala namang mapapala
Ano ba ang nagawa ko (2x)


Bakit ba ang buhay ko'y ganito
Ako'y naglalakad napadaan sa kanto

Tinawag ng mga tambay na laging yero
Lumilimos ng pambili ng isang kaha ng sigarilyo
Ako'y kinakaba kaba kailangan ba akong tumakbo

Napagtripan ako ng isa sa kanila
Inakala nya ako daw sumolot sa syota nya
Eh sabi ko aba hindi ko kakilala si maria

Sinungaling daw ako kaya bigyan daw ng parusa
Bugbog sarado ang inabot ko sa kanila
Sipa tadyak habang ako ay pinagmumura

Wala akong nagawa putok ang labi ko
Ako'y nagmakaawa pero dumampi na ang asero sa aking ulo


Chorus
Ako ay umuwi ng sugatan at luhaan
Pinunasan ang mga dugo sa katawan

Pilit kong nilalabanan ang galit na namumuo
Sa ng yari nagbago ang buhay ko


Nag aapoy ang puso ko mata ko ay namumula
Mga kamao ko ayaw na ayaw na bumuka
Bintangero sa kanto hahanapin ko kayo

Babawi ako hawak ang kwarenta'y singko
Bakit ba ang buhay ko'y ganito


Humihingi ng pera sa mga magulang
Kase hindi pa ko bayad sa mga utang
Kung ano ano ang dinanas ko para lang makahinga

Sa mundong ito ohh bakit ba haha sumasama ang aking buhay
Pagnasalita ka para ba akong patay ikaw ang dahilan
Kaya ako nag ka ganito puro pera puro ginto kase ang nasa ulo mo

Sana hindi nalang kita naging kuya ano araw araw kase akong
Binababa wala kang respeto sa akin wala pa kay inay
Sa ating pamilya wala kang kamalaymalay


Repeat chorus


Nandito na ako patungo nasa iyo babaguhin ko
Ang pagkatao mo diba noon lagi mo akong kinukutya
Pero ngayon wala ka ng ibubuga

Bakit ba ang buhay ko'y ganito

Naalala ko noon nung ako ay bata pa

Isa ako sa karamihan na bata nakahirapan
Laging pinapawisan sa buhay ng kahirapan
Patuloy tuloy pang nila napaparusahan

Tinutultol ginugulo ano man sa katawan
Binabato ng patalim hindi ko na yata makayanan
Kailan pa babawasan ang mga nararanasan parang

Masamang pulosyon na hindi ko maiwasan
Para akong nakatali na hinding makakalaya
Dinadaanan biktima hanggang sa kamatayan

Kailangan ba ng ganito nalaging nalang iaabuso
Pinagtatakbo kahit saan man ako patungo


Repeat chorus

Umatras kana kase nandito na ako

Ako yung batang inabuso mo
Humanda kana kung gusto mo ng duwelo
Ipapadama sakit na naranasan ko

Bakit ba ang buhay ko'y ganito

Sugatang sugatan luhaan sa pag uwi ko

Tinatarantado ng mga loko sa kanto
Kanina pa ito may mga dumadaloy na dugo
Kahit saan ako magpunta kahit saan ako magtago

Ako kanilang sinusundan ako'y kanilang sinasaktan
Langit sa may kapal ako naman ay tulungan
Kase lahat ng ito hindi ko na makayanan

Kase lagi nalang nila ako sinasaktan

Repeat chorus

Bakit ba ganito ang buhay ko lagi

Nalang nasa baba wala namang mapapala
Ano ba ang nagawa ko
Bakit ba ganito ang buhay ko lagi
Nalang nasa baba wala namang mapapala
Ano ba ang nagawa ko

Submit Corrections

Thanks to guest