FAMILIA ISKINITA lyrics : "Lhord Smoke"
simpleng pag alay ng kanta handog sa aking mga tropa
na kasama ko sa hirap at sarap ng mga tema
munting awiting nilikha sana'y inyong magustuhan
pagkat kayo ang dahilan kung bat mundo'y my kasiyahan
ito ay hango saming buhay na natututong makibagay
sa takbo ng panahon kung san kami lahat nasanay
at dito ko isinabuhay ang tunay na paglalakbay
ng aming hanay na tumibay ng dahil sa pagiging tunay
(1st Verse)
nagsimula ang tropahan sa iskinitang tinatambayan
kung san namulat ang mga mata sa kalagayan
dito na sana'y mag umpukan pagkagat ng kadiliman
at pag sabihan ng kapitbahay saming sobrang kaingayan
minsan ay nag sasama-sama sa loob ng isang bahay
!@$&akain sa hapag ng mesa ng sabay sabay
nag-gagala ng sama-sama kahit san man matangay
ay okay lang basta't kasama ko kayo tuwing lumbay
pag my problema kang dala punta agad ng iskinita
pagpapayo't pagkalinga ng mga tropa'y makikita
mapa tungkol man sa magulang sa awayan o kasintahan
ay handa kang tutulungan at ikaw ay sasamahan
ganyan tayo magdamayan sa ating mga pinasan
na mga hamon at dilema na ating nilampasan
kaya't hindi malilimutan ang ating pinagsamahan
at salamat sapagkat kayo mga naging kaibigan
(Chorus)
simpleng pag alay ng kanta handog sa aking mga tropa
na kasama ko sa hirap at sarap ng mga tema
munting awiting nilikha sana'y inyong magustuhan
pagkat kayo ang dahilan kung bat mundo'y my kasiyahan
ito ay hango saming buhay na natututong makibagay
sa takbo ng panahon kung san kami lahat nasanay
at dito ko isinabuhay ang tunay na paglalakbay
ng aming hanay na tumibay ng dahil sa pagiging tunay
(2nd Verse)
syempre hindi malilimutan ang ating mga inuman
at pagcindy ng halaman pagkatapos ay tawanan
mag-aabang ng kakilalang dadaan at hihingan
ng panglaman at pambasa ng ating mga lalamunan
madalas ay nababalisa habang lalong lumalala ang
ang tama ng bawat isa minsan ay nakatulala nag
iisip ng kwelang tripings na ating magagawa at
pagkatapos ng lahat magkwekwentuhan ng may tuwa
kapag may chics na dumaan ay aakayin sa tambayan
at pagtapos ng inuman ay kanya kanyang akbayan
haha sarap diba pag meron kang mga kaibigan na
pwede mong malapitan pag gusto ng kasiyahan sa
mga tropa't mga kuyang nagkaron na ng pamilya ay
hindi malilimutang naging kabilang sa saya itong
alay ko na kanta ay para sa bawat isa na naging
buhay ang pag tambay sa FAMILIA ISKINITA
(Chorus)
simpleng pag alay ng kanta handog sa aking mga tropa
na kasama ko sa hirap at sarap ng mga tema
munting awiting nilikha sana'y inyong magustuhan
pagkat kayo ang dahilan kung bat mundo'y my kasiyahan
ito ay hango saming buhay na natututong makibagay
sa takbo ng panahon kung san kami lahat nasanay
at dito ko isinabuhay ang tunay na paglalakbay
ng aming hanay na tumibay ng dahil sa pagiging tunay
(3rd Verse)
at para sa huling mensahe ng munting pasasalamat
sa mga tropa kong angat na sakin nagpapasapat
hinding hindi malilimutan kaya kayo ang pamagat
ng kantang aking isinulat na magiging alamat
sanay walang makakalimot sa mga pinagdaanan
kasiyahan o kalungkutan at mga bisyo sa tambayan
at kahit pa sa mga lakad na ating pinuntahan
na syempre hindi nawala ang tawanan at kalokohan
sa mga tusok ng pagsubok na sa atin binigay
ng maykapal upang mahubog at mas lalo pang tumibay
ang samahan ng ating grupo na magsisilbing patunay
sa mga susunod sa hanay natin na maglalakbay
pagkat ang buhay na bigay ay isang beses lang makita
nakasama mga taong minahal mo ng direkta
kaya salamat sa magulang at kaibigang sumuporta
COA HIGHLIGHTS , mga KUYA at FAMILIA ISKINITA
(Chorus)
simpleng pag alay ng kanta handog sa aking mga tropa
na kasama ko sa hirap at sarap ng mga tema
munting awiting nilikha sana'y inyong magustuhan
pagkat kayo ang dahilan kung bat mundo'y my kasiyahan
ito ay hango saming buhay na natututong makibagay
sa takbo ng panahon kung san kami lahat nasanay
at dito ko isinabuhay ang tunay na paglalakbay
ng aming hanay na tumibay ng dahil sa pagiging tunay.
Submit Corrections