A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

APO HIKING SOCIETY lyrics : "Prinsesa"

Mula noong ako'y nag-umpisang maglakad
Tila may !@$&pas ang bawat hakbang
Natutong sumayaw sa sariling paraan

Sa bawat tugtog na alam
Hindi naman sa ako'y nagmamayabang
Kelan ma'y hindi pa natanggihan

Mahusay magdala at tila napakagaan
Sa hangin parang lumulutang
Maraming kapareha na sa akin nagdaan

Pagkatapos ng tugtog nalilimutan
Ngunit ng makita siya sa sayawang ito
Nanlambot ang tuhod at naturete na pati paa ko.


Panaginip kita, mahal na prinsesa
Minsan sana'y makapareha

Ibibigay ko pati puso ko
Para lamang makasama ka
Makapareha ka, mahal na prinsesa


Dahan�dahan nilapitan ang dilag na ito
At mapormang isinayaw sa gitna

Umikot nang umikot at nakakahilo
Lahat ng tao'y tulala
Iisa ang kapareha sa buong magdamag

Di ko siya mapagot at hindi matagtag
Di ko maiwanan at hindi rin mabitawan
Tuloy-tuloy ang kapit

Hanggang sa mauwi na sa simbahan

Mula noong kami'y sa simbahan naglakad

Magkasama na sa araw at gabi
May ilang mga supling na ngayo'y nadagdag
Na sumasayaw na rin sa tabi

Submit Corrections