A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

ABADDON lyrics : "Mahal Na Kita Agad With Eman Da Great Kraysis & Sparo"

Intro:

Uhhmmm 4X

Ohhhhhhh
Yeah


Chorus:

Nakikiusap, maabot ang ulap

Hinahanap hanap
Ang babaeng pinapangarap
Kaylan ba kita makilala?

Darating ka pa ba?
Sa puso kong nag iisa
(Nag iisa 4X)


1st Verse:


Palagi na lang ba?
Akong magtatanong
Kay bathala

Dapat ko pa bang
Ipagsawalang bahala
Huwag kang mabibigla

Kung sakali mang
Mahal na kita agad


Nakatingin sa mga bituwin
Kung kaylan ka darating
Oh aking mahal

(Oh aking mahal)

Repeat Chorus


2nd Verse:


Di' naman sa nagmamadali
Pero hindi na rin ako mapakali
Di naman ako pihikan

Kaylangan lang sigurong
Basagin ang katahimikan
Nang aking pag ibig

Na nanlamig, gininaw
Nasaan na nga ba
ang magpapainit kong tanglaw

Ako'y haligi na wala pang ilaw
Kung nakilala na kita
Kahit na anong edad

Ano mang panahon
Mahal na kita agad
Ako'y handa na

Sa iyong pagdating
Silipin mo ko sa bintana
At iyong tanggapin

Sabi nila marami daw diyan
Sa tabi tabi yung pang gabi
Ayoko nun gusto ko

Yung tago ang kiliti
Laging dalangin palarin
Kasama kang mag umpisa

At pagyamanin ang pagmamahalan
Nang isa't isa
Yung tipong tayong dalawa'y

Di na maghihiwalay
Kaso ang tanong kaylan
Ka nga ba darating sa aking buhay


Repeat Chorus


3rd Verse:

Di ko na mabilang

Napakarami nang nagdaan
Na sandali lang
Kaya't hindi ko na matandaan

Mga babaeng lumipas
Sa puso ko'y di bumaon
Alam mo yon sigurado ako
Na wala ka don
Ikaw ang nag iisang kulang

Na elemento ng binubuo
Kong kwento kaya di ko
Ma!@$&pleto
Sa buhay ko kaylan ma'y
Hindi ako makukuntento

Hangga't di' ikaw ang kasumpaan
Ko sa sakramento na
Kung saan tayong dalawa'y
Hawak ang kamay
Kahit malabo man sa ngayon

Patuloy mag aantay
Dahil ikaw ang prinsesa
Sa palasyo ng isipan
At ng puso kong nilisan
Ng umabusong kababaihan

Sana ay isang musika
Ang siyang maging pangitain
Na malapit ka ng dumating
At ikaw ay mapapasakin
Ikaw ang aawit ng kanta
Na magpapabilib sa akin

Gamit ang kantang kaytagal
Ko nang di naririnig

Repeat Chorus 2X

Submit Corrections